Alex, hindi maiwan ang anak!

Enjoy na enjoy ngayon si Alex Gonzaga sa kanyang mommy era na matagal na niyang pinangarap.
Bising-bisi nga siya ngayon sa pag-aalaga ng kanilang newborn baby boy to the point na hindi na siya nakakaligo.
Sa kanyang Facebook page ay nag-update si Alex ng kanyang ganap bilang first-time mom at ipinahayag kung gaano siya kasaya.
“I am so happy to be a mommy kahit walang ganda at ligo,” sey ni Alex sa kanyang post.
Siyempre, relate na relate ang kapwa-momshies sa sinabi ni Alex dahil true naman talaga na kapag nag-aalaga ka ng baby ay halos hindi ka na makaligo.
Alden, wagi sa Fashion Style!
Super happy and honored si Alden Richards matapos parangalan bilang Most Stylish in 2026 ng isang luxury lifestyle magazine and digital media platform.
“Yes, I’m very honored,” sey ng Asia’s Multimedia Star sa panayam ng 24 Oras.
Dagdag pa ng aktor, ikinagulat nga raw niya ang nasabing rekognisyon. “Nagulat nga ako na I was recognized as one of the most stylish [by] Tatler Magazine for its 25th anniversary,” aniya.
Bukod kay Alden, kasama rin sa listahan sina Kylie Verzosa, Michael Concepcion, Tweetie de Leon Gonzalez, Sabina Gonzalez, Jae de Veyra Pickrell and Tessa Alindogan.
Sa Instagram post ng Tatler Philippines ay inilarawan nila ang fashion style ng Kapuso actor para masama sa listahan ng Most Stylish for this year.
“Some spend years searching for a signature. Alden Richards has spent his refining one. His style has changed little over the years, not from habit but from certainty, favouring pieces that outlast trends and reflect a clear sense of self. He keeps an eye on what’s new without feeling obliged to follow it, preferring clothes that fit naturally into his life. Style, in his world, is less about standing out than about showing up with intention,” pahayag ng Tatler.
- Latest




















