^

PSN Showbiz

Joshua, gustong maglaho ‘pag tinatawag na next John Lloyd!

Pilipino Star Ngayon
Joshua, gustong maglaho ‘pag tinatawag na next John Lloyd!
Joshua Garcia at Jodi Santamaria

Dahil na rin karisma at husay sa pag-arte, may mga nagsasabi na si Joshua Garcia ang next John Lloyd Cruz.

“Sobrang flattering, parang gusto ko lang na maglaho na parang bula,” sabi pa ni Joshua.

Pero paglilinaw ni Joshua, noon pa niya madalas marinig ang naturang komento, at hindi lang ngayon. Itinuturing niyang karangalan ang natu­rang bansag na susunod na “John Lloyd Cruz.”

“I’m honored na matawag bilang John Lloyd Cruz, nakatulong din siya sa akin, sa karera ko, na tinatawag nila akong ganu’n. Siyempre ako, nandoon ako sa gusto ko rin i-prove na may sarili ako,” sey pa ng aktor.

Sinabi ni Joshua na hindi pa sila nakakapag-usap ni John Lloyd.

Huli raw silang nagkasama nina John Lloyd, kasama pa nila sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Isa sa mga si Joshua sa Unbreak My Heart, na historical collaboration ng GMA Network, ABS-CBN, and Viu Philippines.

Vin, nagpaka-yaya sa anak nila ni Sophie

All-out ang suporta ni Vin Abre­nica sa kanyang asawang si Sophie Albert sa pagbabalik sa trabaho.

Bahagi si Sophie ng upcoming mystery series na The Missing Husband, na nagtaping kamakailan sa Dubai.

Ayon kay Vin, sumakto ang taping ni Sophie matapos niyang gumanap sa Mga Lihim ni Urduja, kaya siya naman ang nag-aalaga sa kanilang anak na si Avianna.

“Finally nga sabi niya nakabalik siya eh, ang sarap lang sa feeling na, dream niya ito eh, so pinu-pursue niya ulit ‘yung dream niya. I’m so proud of her na nakakabalik siya, at she’s really doing well,” sabi pa ni Vin. — Aster Amoyo

JODI SANTAMARIA

JOSHUA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with