â1979 in 2020â
Fish Mask, Peace Mask, No Mas Face!’
‘1979 in 2020’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - July 26, 2020 - 12:00am

JULY 30 ngayong Taon ng mga Daga,

Sa Thursday na nga ang birthday ng Eat Bulaga!

Yes, of course kasama mga DAGA sa handa!

Kaya lang social distance, they will EAT sa LUNGGA!

That’s RAT este, that’s right! CUARENTA Y UNO na!

FORTY-ONE YEARS … AWED pati Ang Poet Nyo! Nganga!

Akalaing itong something NEW inabot pa!

Kaya “from the top” and new show ito talaga!

Salamat na muna sa APAT NA DEKADA!

Sa BAGONG BIYAYA kayo uli ang YAYA!

Titingin sa amin at palaging sasama,

Sa tuwa sa’min tatanda kayong dalaga!

Kumbaga ay isisilang na muli tayo,

Normal delivery dahil New Normal ito!

Lord patawad kung na-overtake namin Kayo

Sapagkat nauna pa SECOND COMING ng show!

Nung nagsimula Bulaga Year of the Kambing,

Quite goat este, good, Greatest Of All Time din meaning!

Ngunit yung ngayon hindi naging Second Kambing

Pagkat ang gusto keso-keso kinakain!

Pandemickey mouse nga kasi’t nagkaganito!

Kaya’t parang nasa lungga lagi ang tao!

Patawad uli at patawa Ang Poet Nyo,

Masaya kasing malungkot nangyaring ito!

Kung ‘di ba naman dahil sa pandemic na flu,

Ang mga mag-anak nagdamayan nang husto!

May song nung usong-uso when we started our show —

It’s the world’s theme song NOW … “We Are Family” ito!

At kung ito na nga’y pagsisimulang bago,

Hindi maiwasang ihambing ang noong show —

Nung Nineteen Seventy-Nine meron lang Vic Sotto,

Sa panahong ito may isang Vico Sotto!

Noon may eskwelang kwelang naging problema,

Yan ang Iskul Bukol ng mga Escalera!

Mas matindi problema ngayon sa eskwela —

Buong bansa walang pasok dahil pandemya!

Sabay din ng EB nun the hit My Sharona,

Na-hit tayo ngayong taon nitong Corona!

Si Tito sa Vicor V-P for Production pa,

Ngayon Presidente na ng Senado po sya!

Noon katapat namin ay Student Canteen

Subalit ngayon no match kami sa Quarantine!

I Will Survive ni Gloria Gaynor nun sikat din,

Ngayon lahat ng tao yan ang panalangin!

Nung nagsimula kami FM ang Pangulo,

Ngayon ibang FM na at para pang-ulo!

‘Di Ferdinand Marcos kundi Face Mask na ito!

Ehem, dinaanan naming Presidents … PITO!

FM este, ehem uli, in THREE NETWORKS pa!

Aba, the word NETWORK may TWO sa gitna pala!

‘Tapos “We Are Family” pa ngek! Kapamilya?

Ayunnnn … well, yung TWO eh Part TWO ng Bulaga na!

Kalakip nga pala ng ngayong artikulo,

Tungkol sa Face Mask series na isang painting ko!Dyan while quarantine naging busy Ang Poet Nyo —

Writhing in pain este, writing and painting you know!

Umuulit nga ba kasaysayan talaga?

Kung ito nga’y Eat Bulaga na Pangalawa,

Year of the Rat now sa New Normal na programa,

In 1979 top was MICE Sharona!

Mabalikan ko lang I Will Survive ni Gloria,

The first five letters of the word SURVIVE nga pala,

VIRUS makukuha pag nirambol ang letra!

Pag nirambol buong title … VIRUS WIL LIVE! Nyahhh!

Kwela na sanang ending ng column ko yung “Nyahhh!”

But NO, let’s end with something POSITIVE ngek! Basta!

At napiling ’79 hits ay dalawa —

Good Times by Chic, please come back na! And Knock On Wood YEAH!

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with