Tough Hits During Tough Timesâ
Tough Hits During Tough Times’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - April 26, 2020 - 12:00am

Annyeonghaseyo ngek! O, nagulat ba kayo?

He, he, he… na-Coreana Virus Ang Poet Nyo!

Eh pati nga Tula-Novela ngayong Linggo

Crash Landing muna… magkantahan muna tayo!

It’s tough daw nilalabanan nating mikrobyo!

It’s Tough pala ha but baka ma-Stop dito —

Mga sikat na songs na ni-Write but ni-Wrong ko!

Ang sabi nga, A Tough For A Tough! Tough Hits tayo!

(To the tune of Bahay Kubo)

Sa bahay kubo

Kahit konti

Pati hatsing doon

Naku wow mali!

Put ka mask sa ilong

Wag kakain ng mani

Pag nasamid ka ay yari!

Control na muna

Ubo’t sipon sana

Face mask must meron ka

Labhan nyo pag wet na!

Sibuyas, kamatis

Mga gulay basta

Lahat galing labas

Ay hugasan muna!

***

(To the tune of Magellan)

Nung March Sixteen nang nakaraan lang b’wan

The Philippines was quarantined buong bayan

May checkpoint day and night

At nagkatakutan

Nag-panic buying na mga kababayan!

May namakyaw ng face mask nang daan-daan!

May namakyaw ng alcohol kahon-kahon!

Pati toilet paper ay merong nagswapang!

Dyos ko bakit ano ba yan sira ang tyan!

***

(To the tune of Bayan Ko)

Ang bayan kong Pilipinas

Halos lahat na’y naka-face mask

‘Di naman pwedeng basta palad

Ang pantakip ngalay agad

Meron nga lang isang problema

Kaharap ‘di na kilala

‘Di alam kung sino na

Magnanakaw pala!

***

(To the tune of White Christmas)

I’m dreaming of a new face mask

Bigyan nyo ‘ko kahit ano

‘Sang b’wan na ‘tong akin

No change, no washing

Virus takot sa bad breath ko!

***

(To the tune of From A Distance)

Social distance

The world na gagawin

It’s written in black and white

Social distance

Dapat nating sundin

Para all safe day and night

Social distance

Sa labas only

Hindi etchos through the land

Yan lang ating hope

Para umimpis

Na ang curve ng impeksyon!

***

(To the tune of Ang Pasko Ay Sumapit)

K-drama hit kung bakit

Ayos kasi ang mga iskrip

At magaganda outfit

Para bagang wala dung pangit!

Dun lang sa Train to Busan

May ngetpang zombing dumadalaw

At ang bawat isa kapag sumusugod

Ay pinapatay!

Magaganda sets at mga bahay

At naka-aircon ang buong bayan

Hindi mahirap

At maaliwalas hindi ka papawisan!

Kaya ‘wag magagalit

Watch na lang at manahimik

Araw din ay sasapit

Magbabago rin ang climate

Let’s hope na la’t asahan

Magyeyelo balang araw

At kung gusto ninyo

Kahit walang snow

Mag-sweater kayo!

JOEY DE LEON
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with