^

Entertainment

‘Have Ban, No Travel!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Have Ban, No Travel!�
Sakuranavirus! — We will miss this year’s Sakura pero mabuti na ito kaysa SAKURA-ntine mapunta! Ngek

Sulok na ito’y bubuksan sa seryong tono —

Mga kaganapan ngayon sa buong mundo,

Hindi ba kumukutos sa mga tuktok nyo

Na waring simula na ng Third World War ito?!

Higit pa nga ang kalupitan sa totoo

Pagkat hindi nakikita kalaban dito!

Mas malawak pa ang nasasakupan nito!

Pamuksa ay hindi pa nga nakukumpleto!

Akalaing buong daigdig apektado!

Bagsak mga negosyo pati ang merkado!

Maraming kaganapan na ang kanselado!

Tokyo Olympic Games nga’y nagde-delikado!

Mga one month na lang at Holy Week na tayo,

Sira tuloy plano ng mga viajero!

Kaya itago muna mga passports ninyo!

Pinas lang ngek! More fun and no pandemic dito!

Ibig sabihing “Pinas lang” Pinas na muna

Habang itong virus hindi pa humuhupa!

Sa Pilipinas na muna maging turista!

Dalhin mo muna Rimowa sa probinsya!

Tutal kung Pinas lang wala nang visa pa!

Naturalmente matutuwa pa si Berna!

Kung gustong malamig eh di Baguio magpunta!

Kung mainit at mura? Sa BARBIKYUHAN ka!

Mga nag-uumpisa ng bucket list nila

Ay biglang nanlumo at nawalan ng gana

Dahil nga pinagbawal ang pagbyahe muna!

Bucket list nila ay nananatiling lista!

Pati Cherry Blossom Festival kinansela!

Maraming concerts pati yung sa South Korea!

Tigil shooting abroad ang ilang pelikula!

Kaming mga adik sa byahe muna’y… nganga!

Pero mahirap din yung nganga ka nang nganga

At baka yung mikrobyo ay mapasukan ka!

Kaya nga may face mask para hindi mahawa!

Pati “peace be with you” sa misa may distansya!

Sa nangyayari lumiit mundo kumbaga

Dahil wala ka nang mapuntahan talaga!

Ilag ka ring makihalubilo sa masa,

Not funny anymore kaya… magpapatawa!

Bakit si Prince Harry gustong magpuntang China?

Kasi HARRY nga sya ngunit walang pag-asa

Dahil erpat, utol, nieces dadaanan pa!

Eh sa China pupwede syang magka-corona!

But seriously again, Hong Kong miss na miss ko na!

Nandun na kasi lahat at malapit lang sya!

Bilis, bili, balik! Kaya lang ngayon iba —

Yung rush to but nabaliktad naging virus pa!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with