WATCH: Joel Lamangan's eloquent Senate testimony against ABS-CBN shutdown
Ratziel San Juan (Philstar.com) - February 25, 2020 - 6:03pm

MANILA, Philippines — It’s only expected that multi-awarded director Joel Lamangan, the mind behind acclaimed Filipino films like "Hustisya" (2014) and "The Flor Contemplacion Story" (1995), packed quite a punch as a resource person during the Monday Senate hearing on the renewal of ABS-CBN’s congressional franchise.

In his speech, the Directors Guild of the Philippines president delivered one of the most convincing arguments in favor of ABS-CBN, if not the stand-out message that day.

Whether the media network’s operations will continue after its franchise expires after March 30 is still in question.

A legislative franchise bill needs to be approved by the House of Representatives before it is transmitted to the Senate. The version of the bill approved by both chambers would then still need the president’s approval.

RELATED: Here's a cheat sheet on ABC-CBN's franchise renewal

But rather than focus on allegations of tax, labor, and corporate law violations hurled by ABS-CBN’s detractors — all of which answered and debunked during the hearing  — Lamangan reframed the conversation altogether.

RELATED: ABS-CBN abides by tax, labor and corporate laws — gov't

Here’s the veteran filmmaker’s full speech:

"Ang Directors Guild of the Philippines po ay narito, ayun po sila lahat nakahilera doon, upang aming bigyang pansin ang isang nakalulungkot na bagay na nangyayari sa atin.

Ako po ay nalulungkot dahil sa pagpupulong na ito ay ating dini-discuss ang pagpatay sa isang plataporma na nagbibigay at naglulunsad ng kalayaan sa pananalita, kalayaan sa pamamahayag, at kalayaan sa pagpapahayag.

Nalulungkot ako at dumating tayo sa ganong panahon.

Sa halip na ating pag-usapan kung papaano papalamanin, kung papaano papayayamyanin ang mga plataporma na maglulunsad ng kalayaang ito, dini-discuss natin ang pagkitil at pagpapatay dito.

Hindi ba 'yun ay kalungkot-lungkot?

Kaming mga direktor ng pelikula, telebisyon, at tanghalan, ang aming materyal na pinagkukunan ng aming kwento ay ang buhay ng tao.

Ang araw araw na katotohanan nakikita namin sa lansangan, ang araw araw na katotohanang nakikita namin mula sa aming pagkagising hanggang sa aming pagtulog, 'yun ang batayan ng aming isinasalaysay na kwento na aming isini-share sa daang daang mga manonood.

Ang pinakamalawak na plataporma ng aming obra ay ang ABS-CBN.

Ang anumang pagkitil sa prangkisa ng ABS-CBN ay malawak na pagyurak sa karapatan ng pagpapahayag at pamamahayag at karapatan ng malayang pananalita.

Kailangang hindi tayo gumawa ng mga paraan upang sagkangan ang kalayaang ito.

Kung mayroong mga hindi magandang sinasabi o mayroong mga katiwaliang naganap o ginagawa ang plataporma, meron tayong korte upang pag-usapan ang mga kahinaang ito.

Hindi ang pagpatay o pagkitil, kundi ang pagbibigay ng due process upang marinig sa korte ang kahinaan o kalakasan ng sinasabi nating plataporma ng paglulunsad ng kalayaang ito.

Sa aming mga direktor, napaka-importante ng plataporma sa paglulunsad ng kalayaang ito. Tayo'y demokratiko. Nakaukit sa ating Saligang Batas ang karapatang ito ng pamamahayag at pagpapahayag.

Kailangan ito'y ating pinoprotektahan at ginagawan ng paraan upang yumabong at yumaman at mapanatili sa pagka’t ito ang kaluluwa ng demokrasya.

Ang aming istorya, ang aming kwento, ay tinatawag nating artistikong ekspresyon. Ang artistikong ekspresyon ng pelikula, ng dula, ng mga panulat, ng visual art, at ng lahat ng iba pang sinig ay kaluluwa ng bayan.

Pag hindi mabigyan ng pagkakataong itong marinig at makita ng buong Pilipinas at ng ating mga kababayan sa ibang bansa, malungkot-lungkot.

Pag nawala ang napakalaking plataporma, nakakatakot, kung magagawa ito sa ABS-CBN maaring magawa ito sa maliliit pang may prangkisa.

Sino na ang magkwekwento ng istorya natin?

Baka dumating ang panahon, ang istorya natin ay ikwekwento ng Beijing Broadcast Company, ng HBO, ng CNN. Sana 'wag dumating ang pagkakataong iyon.

Nung ako'y naimbitahan dito upang irepresenta ang aking DGPI, una nagdadalawang-isip ako eh. Kasi matagal na akong punta nang punta sa mga ganitong pagtitipon before.

Mahigit dalawang dekada na akong laban nang laban para sa kalayaan sa pananalita, kalayaan sa pamamahayag.

Ngayon lamang ako naka-attend ng isang pagpupulong na papatay sa prangkisa ng pinakamalawak na plataporma ng paglulunsad ng kalayaang ito.

Isang malungkot na katotohanan ito sa ngayon sa atin.

Sana sa mga darating pang pagpupulong, sa mga darating pang mga ganitong pagtitipon ng mga kagalang-galang na senador at ng mga kagalang galang ng mga taong nagrerepresenta ng iba't ibang sektor.

Sa pagpapahayag, ang susunod na pulong ay tungkol sa pagpapaunlad ng kalayaang ito. Hindi sa pagkitil o sa pagpatay. Maraming salamat po."

ABS-CBN ABS-CBN FRANCHISE JOEL LAMANGAN
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with