The Saxum pilgrimage 2019 group at the Mount of Temptation in Jericho
‘Baptism or bath teasing?’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - November 17, 2019 - 12:00am

October 11, Mount of Temptation muna,

‘Tapos sa Jordan River ni San Juan Bautista,

Binyagan ulit kaya nga lang sama-sama!

Mabuti’t napaaga kami’t unang-una!

 

Sapagkat ang tour guide namin naikwento n’ya

Na minsan daw pag nauna ibang turista

Lalo na ‘yung ilang mga taga-Europa

Kapag nagpabinyag na ay lumulublob pa!

At karamihan ay naka-baptismal gown pa

Na nabibili at nine dollars yata isa,

May mga nagtatanggal ng panloob nila

Kaya pag-ahon kitang-kita’t markang-marka!

Naturalmente ay maiiskandalo ka!

Sa kaisipan mo ay ubrang magkasala!

‘Sabagay sa kanila wala raw malisya,

Sila! Eh pa’no kaming marupok talaga?!

Sa Holy Land kaya tao ay nagpupunta,

Sa bucket list nila isa sa nangunguna!

Kaya iwasang maglabas ng kaluluwa!

Baka imbes bucket eh maging bakat list pa!

Ano ba paki ko sasabihin ng iba

Eh kung ibang turista ay doon masaya?

At kung kagustuhan ng iba ay magbomba!

Pasalamat na nga la’t sila’y naka-gown pa!

Syanga pala sa nagbabalak bumisita,

Hindi lang sa Israel kundi sa iba pa,

Siguruhin ninyong magbaon ng de lata,

Isa sa mga araw hahanapin sila!

Katulad kahapon ‘saktong isang linggo na

Na kami ay naririto sa Tierra Santa,

Nagkayayaan kagabi na mag-Shawarma,

Shardinas ang dinner ko’t ‘di ako Shumama!

At syanga pala kapag Shabbat sa kanila,

‘Yan ang seventh day nila’t araw ng pahinga,

Some elevators nagtratrabahong mag-isa!

Automatic bawat floor bubukas… sasara!

Kaya kung nasa nineteenth floor ka nakatira,

Nineteen times ding close-open kaya magtiis ka!

But there is no trapik ang luwag ng kalsada!

Kaya papuntang Wailing Wall walkathon sila!

After Jordan River na like Michael hitsura!

Korek, nag-darken na kulay nito talaga!

At kumitid pa ‘kamo waring limang dipa

Na lang sa bansang Jordan kanilang distansya!

Jordan River ay umaagos alam n’yo ba

Sa Jordan, Palestine, Israel ‘tsaka Syria?

At may isda pa rin tulad Jordan in Utah,

‘Di tulad sa atin lumulutang ay O-TA!

After Jordan River Mount of Olives nagpunta,

And then maraming holy sites pa bibisita

Sapagkat next day sa Turkey ay lilipad na!

At mamaya may Saxum Visitor Center pa!

Dahil ibang lugar ay napuntahan ko na —

Church of All Nations, Gethsemane, et cetera,

Matindi pa ang init ‘di na ‘ko sumama,

The sun was burning … bus na lamang nagpahinga!

BAPTISM OR BATH TEASING
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with