Malinaw ba mga mata ninyo? Can you see Tito, Vic & Joey in the picture? That’s Eileen and Ang Poet N’yo in the Writers’ Playroom in Eat Bulaga’s APT Studios.
‘Eyes Naku Po!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - January 20, 2019 - 12:00am

Hindi ang lahat ng bagay na nakikita

Ay pagpapatunay na ‘YUN NA ‘YUN TALAGA!

At kung minsa’y nakakamatay din ang mata!

Tulad, “Kill the cockroach! MATA la cucaracha!”

 

At upang luminaw ay magpupungas muna,

Kaya nga may “MALI” salitang MALIKMATA!

Mga mata ay isang kamera kumbaga,

Konting kusot at kalikot lang ay gaganda!

 

Tulad malimit nangyayari sa artista

Kapag isang tagahanga siya’y makita,

“Sa personal ang pogi-pogi mo talaga!”

O kaya ay, ngek! “Ang taba-taba mo pala!”

 

Mata oh mata, sige na’t mataba ka na!

Matabil na dila kasi’y sasabihin pa!

Ubra namang sa tingin lang ay lumigaya,

EYES naku, kung kaya minsan nasa pigsa ka!

 

Tulad ilang prutas na pagkaganda-ganda,

Subalit pag tinikman ang lasa ay … nakaaaa!

Maliban lang sa prutas na maraming mata,

Aasahan mo sa pinya lahat ng lasa!

 

Don’t trust your eyes huwag basta!

Kahit na ba EYES ay YES tatlong huling letra!

Kahit na sa Kastila ito’y ayunan pa —

Nagmagalang … nagmagaling na OJO ‘di ba?

 

Mata makikita kung sino ka talaga,

Kasi nga ang EYE ay “I” din … AKO kumbaga!

Kaya pag nakipag-usap mata sa mata!

Pagpapakitang sa kausap totoo ka!

 

Pero espera, ‘wag kalimutan na MATA

Sa Kastila din ay may kahulugang iba

Kaya pag-ingatan at patay kang bata ka!

Eto isang istorya kayo’y MATA…TAWA!

 

Isang kaibigan sa aming industriya

Na medyo matagal nang ‘di ko nakikita

Ang nabalitaan kong na-ospital pala,

Agad ko s’yang tinawagan at kinumusta!

 

Ngek! Nag-flatline na raw s’ya ayon sa kwento n’ya!

Mga huling panlunas ginamitan na s’ya!

At dagdag pa n’ya sa kanyang pag-alala ­—

Sa kanyang silid … ULAP NA ANG NAKIKITA!

 

At least alam daw n’yang sa langit kanyang punta!

Natahimik ako sandali sa dugtong n’ya …

‘Di nakatiis at sinabi ko sa kanya ­—

APOY MAY USOK DING PARANG ULAP, HINDI BA?!

 

Ngek! Huwag basta magtitiwala sa mata!

Malay n’yo at nagkokontrahan din dalawa!

‘Di ba pag may nagdaang magandang dalaga,

Pagsulyap ng dilag sumasara ‘yung isa?

 

May kapilyuhan din talaga mga mata

At tila naglalaro rin lang ang dalawa!

Kindat ang tawag du’t pansin mo’y kinukuha

At ayon sa iba hindi raw ‘yun maganda!

 

Sa pangyayaring ‘yun may ipinapakita ­—

Madali ring matukso ang dalawang bola!

Kaya may pagtulog … sila’y pinapahinga

Nang maibsa’t mapigilan pagkakasala!

 

Pareho kaya tingin ng dalawang mata?

Nakikita ba nila’y katotohanan na?

Palagay ko ang gawing pinakamaganda —

Mag-isip … damahin … pumikit … NANG MAKITA!

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with