^

Entertainment

‘Nanay Ko Po!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Nanay Ko Po!�

Ang Poet N’yo At Ang Ermats N’yang Si Emma Na Ninety-Two!

(Part Two)

Natatandaan n’yo ba nanay kong ninety-two

Na nadulas ba minsan pagpunta sa banyo?

Nang sa E.R. na’y nagalit pa’t pilosopo

Nang tingnan at interbyuhin ng nurses ito!

 

Nang tanungin kasi magaling na nanay ko

Kung pinagdalhan sa kanya ay alam nito,

Sa nars na nagtanong sinagot n’ya ay ito,

“Nars ka ‘di ba? Ospital ‘to dapat alam mo!”

 

Sa nangyari’y medyo natawa na lang ako

Pero sinabihang mag-ingat na lang ito,

But do you know nitong Octubre treinta y uno,

Sumemplang na naman ang ermats kong ninety-two!

 

Mabuti’t pasa’t bugbog lang inabot nito,

Walang magawa’t ‘di naman daw n’ya ginusto,

Puro sigaw lang tinanggap sa Ang Poet N’yo,

Sumisigaw ako dahil bingi nanay ko!

 

Ang kawawa talaga sa nangyaring ito —

Alam n’yo bang walang iba kundi misis ko!

Kasi naman nung X-ray lalo na sa ulo,

Si Eileen humahawak ng kanyang pustiso!

 

Ngek! At hindi pa d’yan nagtatapos ang kwento,

Pagkat may masakit pa sa katawan nito,

Dahil nga sa pagsirko na kanyang tinamo,

Strong na pain reliever ang nireseta dito!

 

Suggestion ni Eileen maglaman muna ito

Dahil nga malakas gamot na binigay dito,

Nang marinig na “strong” umangal ang nanay ko

At alam n’yo sabi, “Baka ma-ADIK ako!”

 

Ngek! He, he, he… op kors nagkatawanan dito,

Now you know kung sino ang pinagmanahan ko!

At sumingit na rin duktor dito sa gulo,

“Oks ka nang ma-adik dahil you’re ninety-two!”

 

Well, kahit ano pa talaga edad ninyo,

Walang bata’t matanda sa HAGDAN at BANYO!

Mag-iingat kayo’t ‘wag matigas ang ulo,

Pwera na lamang… MATIGAS ANG ULO NINYO?

 

Ah basta, ‘yan lagi pag-iingatan ninyo

Lalo na kayong mga lola na at lolo,

Rumurupok pagtagal ating mga buto,

Pagtayo at pag-upo dapat de numero!

 

‘Wag magmamadali sa ginagawa ninyo,

Kwidaw kayong MADALAS… MADULAS sa banyo!

Tandaang palagi ang kasabihang ito —

“’Di baleng mabaho ‘wag lang mabagok ulo!”

 

“Ang pagsisisi ay nasa huli.” Totoo.

Ngunit sa pagsi-CR what’s numero uno?

The most important ba pag naligo ay ano?

Not step one or two kundi pag-STEP ng paa n’yo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with