^

Dr. Love

Paborito si Kuya

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko alam kung paano patatawarin ang kuya ko. Halos lahat ay inangkin na niya. Mula sa atensiyon ng aming mga magulang, lahat ng pabor nasa kanya, pati ba naman ang type kong babae mula nung kami ay mga bata pa ay inangkin na niya.

Pilit kong iniiwas sa kanya ‘yun pero mahusay mambola ang kapatid ko. Ginamit niya ang kanyang kakayahan, pera at talino.

Kapag nakikita ko sila na magkasama sa a-ming bahay ay sumisikip ang dibdib ko. Umaalis na lang ako.

Malamang kapag mag-asawa na sila ay wala na akong lugar sa amin. Bakit ganoon? Wala akong inaargabyado at nagdarasal din naman ako. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sila.

Andoy

 

Dear Andoy,

Bakit hindi mo subukang makipagkasundo? Huwag mong sayangin ang mga pagkakataong mapahalagahan ang iyong ugnayan sa mga magulang at sa kapatid mo. Darating din ang babae na nakalaan para sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with