^

Dr. Love

May iba na ang gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Rico. Isa po akong singer. Ang hirap po nagpakalayo ako sa gf ko. Nagdesisyon na akong manirahan dito sa Iloilo pero sa ‘di inaasahan dito pa sa bar na pinagtatrabahuhan ko sila makikita ng bago niyang bf. 

Saturday night ang schedule ko, ordinar-yong araw lang para sa akin ang pagkanta ko dito sa bar nang bigla kong nakita ang gf ko. Saktong favorite song niya ang kinakanta ko. “Ikaw at Ako.”

Ngayon, sila na. Kakalungkot lang. Parang hindi ko nga matapos ang kanta. Ako naman ang may kasalanan, hindi ko siya masisisi. Pang gabi ako kaya hindi ko siya mabigyan ng time.

Alam ko, hindi alam ng bf niya na magka-kilala kami. Nag-request pa nga siya ng kanta. Hindi ko alam ang mararamdaman ko that time.

Nalasing nga yata ang ex ko. Masakit pero wala akong magawa.

Rico

Dear Rico,

Talagang masakit ang makita mo ang ex mo na may kasama ng iba. Kaya kayanin mo ang mag-move on, kung talagang hindi na pwedeng maging kayo.

Palayain mo na siya sa isip at puso mo.  Enjoy life, hindi mo inaasahan may nakalaan naman din para sa iyo. Let go at be grateful sa panahon na naging kayo.  May mga taong nagiging bahagi ng ating buhay na minsan ay nagbigay ng magandang alaala.

Always be happy and keep on singing. Sa mga awitin mo matutulungan ang ibang nakakaranas din ng kalungkutan.

DR. LOVE


 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with