^

Dr. Love

Sasabak sana  sa pulitika

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang akong Leo. Gusto ko sanang tumakbo ng kagawad sa bara-ngay namin. Pero ang iniisip ko baka naman magkapro-blema lang ako lalo. Magulo na rin kasi ang pulitika sa amin.

Para lang manalo, sisiraan ka. Bago pa ang filing ng candidacy, pinuntahan na ako ng kamag-anak ng chairman namin na huwag ko na lang ituloy ang pag-file ko ng kandidato bilang kagawad.

Ang dami nga naming aspirant. Parang buong barangay namin gustong makapasok sa posisyon ng barangay.

Hayan usapan pa rin ang mga pinaggagawa ng chairman namin.

Sinabihan rin ako ng misis ko na huwag ko ng ituloy ang mga binabalak ko. Daragdagan ko lang nga daw ang sakit ng kanyang ulo.

Sinabi ko naman sa kanya na malinis ang hangarin kong makatulong sa barangay namin. Gusto ko lang naman nmsubukan kung talagang may magagawa ako.

Pero dahil lumipas na ang filing, maaaring hindi pa inaayunan ng pagkakataon.

Leo

Dear Leo,

Masalimuot talaga ang buhay pulitika.

Kahit malinis ang layunin mo, hahanapan ka pa rin nila ng butas. At kung wala silang maibutas sa iyo, gagawa na lang sila ng paraan na ikasisira mo.

Apektado talaga ang pamilya mo. Kapag nanalo ka, buong buhay mo kikilitasin ng iba.

Pero nasa sa iyo pa rin ang desisyon kung talagang hangad mong makapaglingkod, umpisahan mo na ngayon kahit wala ka pa sa posisyon. Pwede mo naman ipakita ang malasakit sa iyong kapwa kahit hindi ka pa kandidato.

Tandaan mo na sa maliliit na bagay nagsisimula ang malalaking bagay. Kaya ngayon palang ay magtanim ka ng mabuti para unti-unti ay makuha mo ang tiwala ng inyong mga kabarangay.

Mabuti pa samahan mo ng panalangin para gabayan ka ng Maykapal.

Dr. Love

vuukle comment

LEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with