^

Dr. Love

Panalo na, natalo pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Advanced Merry Christmas po sa inyo at sa lahat ng inyong masugid na tagasubaybay.

Tawagin na lang ninyo akong Carding, may asawa at limang anak. Pitong taon na kaming mag-asawa ng aking kabiyak.

Madalas po kaming mag-away ng aking misis sa napakalaking natalo namin sa casino.

Siguro, matatawag na beginners luck ang pagkapanalo namin ng 50 milyong piso sa slot machine.

Hindi kami dating nagsusugal pero naaya lang kaming aking kaibigan.

Maniniwala ka ba na sa puhunan ko na isanlibong piso, nakuha ko ang grand jackpot na 52 milyon? ‘Yun ang simula ng aming pagkaadik sa slot machine.

Ibinangko naming mag-asawa ang 45 milyon at ang iba ay inilaan namin para ipanlaro. Tatlong beses isang linggo ay magdamag kami sa Casino sa pag-asang madaragdagan pa ang panalo namin.

Unti-unting naubos ang malaking kayamanan namin hanggang pati ang nakadeposito sa bangko ay naubos na.

Ngayon nagsusumbatan kaming mag-asawa at laging mainit pareho ang aming ulo.

Ano ang gagawin ko?

Carding

Dear Carding,

Bakit kayo magsisisihan gayung pareho ninyong ginusto na magsugal? Masama ang sugal. Walang panalo diyan kundi ang nagpapasugal at ang naglalaro ay mas malaki ang natatalo kaysa panalo.

Sana, nang manalo kayo ng napakalaki ay nanahimik na kayo at hindi na naglaro uli. Siguradong mabubuhay na kayo nang maginhawa habang buhay.

Pero inakala ninyo na palagi kayong magwawagi, bagay na hindi nangyari kaya hayan, buhay pobre uli kayo.

Kaya imbes na mag-away, magtrabaho na lang kayo ng misis mo at kumita sa matuwid na paraan. At isa pa, huwag na huwag na huwag na kayong papasok sa sugalan dahil may magneto iyan na hahatak sa inyo para magsugal.

Dr. Love

vuukle comment

CARDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with