^

Dr. Love

Artistahin ang peg

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Red. Itong misis ko, feeling artista ang asawa niya. Ang akala niya niloloko ko siya at may ibang babae ako. Kahit na alam ko na artistahin ang dating ko sa iba, walang ganon.

Sinabihan ko na siya na hindi ko babae ang kasama kong mag-area sa Makati. May nag-chat kasi kaagad sa misis ko. Fake news ‘yun.

May nakakita sa amin at nagsumbong sa misisi ko. Ilang beses daw akong naglalakad sa area na iyon ng Bangkal. Maganda raw ang girl. Syempre sa marketing kami. Kaya mga pang-model ang dapat na itsura.

Syempre kasama ko talaga ‘yun araw-araw, dun ang duty namin at sabay kaming kakain at mag-stay doon maghapon.

Naka-holding hands pa raw kami at hawak ko pa ang payong. Una, mainit at hindi ako nakaakbay, marami kaming dalang files na ipapa-survey sa aming product kaya inalalayan ko ang kasama ko.

Baka raw may tinatago ako at dapat kong aminin. Wala akong kabet at hindi ako nambababae.

Mahal ko ang misis ko at ang pamilya ko. Kaso may mga taong tamang duda. At ang misis ko naman, mabilis nilang mabilog ang ulo.

Noong mag-bf pa kami, nagawa ko manligaw pa ng iba, pero hindi naman seryosohan iyon.

Tinutulad niya sa mga napapanood niyang mga artista ang situwasyon na may itinatagong kalokohan. Nood kasi ng nood ng teleserye at mga fake news.  Tapos pinipilit pa niya akong aminin. Sus, pagod na ako sa trabaho may kasama pang isyu. Hindi pa nga ako nag-aartista eh, nagagawan na ako ng istorya.

Red

Dear Red,

Malamang kapag nag-artista ka, mas ma-tindi pang isyu ang matatanggap mo. Hindi mo maiaalis sa isang babae ang magduda lalo na sa panahon ngayon, na parang nilalaro lang ng iba ang relasyon.

Pakalmahin mo ang kalooban ng misis mo sa pamamagitan ng matinding pagsuyo. Ipadama mo sa kanya na hinding hindi mo siya ipagpapalit. Minsan, nakakalimutan na nating maging sweet sa ating minamahal kaya ang akala nila nagbabago na tayo sa kanila.

Be thoughtful and honest. Tityak na magugustuhan niya ang mga ginagawa mo para sa kanya. Ipakilala mo rin ang kasamahan mo sa trabaho para hindi siya nagseselos. Kausapin mo muna siya bago mo gawin ito.

DR. LOVE

vuukle comment

LOVE

RED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with