^

Dr. Love

Si Prof at ang coed

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Ferdie, 30-anyos at isang English Professor sa isang kilalang unibersidad sa Metro Manila.

Mayroon akong girlfriend na estudyante ko. Wala naman sigurong masama roon dahil binata ako, at saka mahal ko naman talaga ang girlfriend kong si Lanie at wala akong intensyong lokohin lang siya.

Dahil may mga nakakakita sa amin kapag kami’y kumakain sa labas, nakaabot ang relasyon namin sa aming dean. Pinagsabihang putulin ko na ang relasyon ko sa aking estudyante dahil unethical.

Alam naman ng dean na binata ako, bakit niya ako pagbabawalan? Pinapipili pa niya ako, either magbitiw sa tungkulin o makipagkalas sa girlfriend ko. Palagay ko, pagsupil na ito sa pagpili ng babaeng mamahalin. And I have all the rights because I am single.

Binalaan pa ako ng dean na maaari akong tanggalin sa puwesto sa paglabag sa policy ng pamantasan na hindi puwedeng makipagrelasyon ang propesor sa  estudyante. Tama po ba ito?

Ferdie

Dear Ferdie,

Kaya ibinabawal ng mga paaralan ang pakiki­pagrelasyon ng guro sa estudyante ay dahil baka magkaroon ang guro ng bias para sa kanyang karelasyong estudyante. May mga unibersidad na pinababayaan lang iyan, pero kung ang policy sa pamantasang pinapasukan mo ay ganyan, dapat kang sumunod.

Kung gusto mong panatilihin ang relasyon mo sa estudyante, just keep it a well kept secret. Huwag kayong lalabas na magkasama. Siguro puwede kayong magkasundo ng girlfriend mo sa bagay na ito. Kung magde-date kayo, make sure na walang makakakitang taga-unibersidad.

Pero tulad nang nasabi mo, binata ka at dalaga ang iyong girlfriend, kaya walang dapat maging hadlang sa inyong relasyon.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with