^

Dr. Love

Nagnanasa si Pinsan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay bumabati ako ng mainit at mabiyayang araw sa inyo.  Sana’y paunlakan ninyo ang aking liham na humihingi ng inyong mahalagang payo.

Tawagin na lang ninyo akong Niña, 20-anyos at dalaga. Taga-probinsya ako at nanunuluyan sa aking auntie sa Maynila dahil dito ako nag-aaral.

Ang problema ko po ay ang aking first cousin na sa tingin ko ay may masamang pagnanasa sa akin.

Gawa lang sa kahoy ang tinitirhan nila at ang banyo ay walang kandado. Kapag naliligo ako, minsa’y nagugulat na lang ako at nagbubukas ang pintuan at nakita ko ang pinsan  ko na nagsabing “sorry, may tao pala.”  Hindi ako naniniwalang hindi niya alam na may tao dahil naririnig naman ang buhos ng tubig sa paliligo ko. Bukod diyan, laging masama ang tingin niya sa akin.

Kung minsan kapag nagkakasalubong kami ay sinasadya niyang banggain ako. Nangyayari ito tuwing nasa palengke si auntie. Ayaw kong magsumbong at baka hindi ako paniwalaan dahil mahal na mahal ng auntie ang anak niya. Anong gagawin ko?

Niña

Dear Niña,

 Halatang pinagnanasaan ka ng pinsan mo na hindi na iniisip na kayo’y malapit na magkamag-anak. Habang nagtatagal, baka nga may mangyari pang higit sa pagbangga niya at paninilip sa iyo.

Ang payo ko, umalis ka na riyan at maghanap ng boarding house. Magdormitoryo ka. Marami riyan na mura lang. Walang masama kung magsumbong ka sa Tiya mo  dahil bilang malapit na kaanak,  siya ang unang dapat magmalasakit sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with