^

Dr. Love

Nang makakilala sa Panginoon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Nagpupugay po ako sa inyo, pati na sa mga libo-libong sumusubaybay ng inyong kolum. Tawagin n’yo na lang akong Estoy, 25 anyos at wala pang asawa. Isa po akong waiter sa isang kilalang restaurant.

May girlfriend ako pero siya ay hiwalay sa asawa, kaya hindi ko mapakasalan. Wala siyang anak sa hiniwalayan niyang asawa dahil nang-uumbag.

Paminsan-minsan lang kami kung mag-date pero ginagawa namin ang bagay na ginagawa ng mag-asawa.

 Sa kadadalo ko ng mga bible studies ay nakakilala ako sa Panginoon. Mahal ko ang aking girlfriend pero nalaman ko na ito ay mali, kaya nagsimula na ako na iwasan siya. Pero dahil sa pag-iwas na ito ay nagtampo siya sa akin. Hindi niya maunawaan ang pagbabagong nangyari matapos kong tanggapin sa puso ko si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Nagkakaroon ako ngayon ng guilty conscience dahil masama ang loob niya sa akin. Ano gagawin ko?

Estoy

Dear Estoy,

Tama ang desisyon mo. Hindi katanggap-tanggap sa Diyos ang pakikiapid. Salamat at nakakilala ka sa Panginoon.

Sana ay maibahagi mo rin sa iyong da­ting kasintahan ang iyong karanasan upang siya man ay makakilala rin. Kung hindi siya tatanggap sa Panginoong Jesus, mahirap niyang maunawaan ang nangyari sa iyo. Ngunit kung sa kabila ng iyong effort ay masama pa rin ang loob niya sa iyo, huwag ka nang mabagabag sapagkat ang ginawa mo sa harap ng Diyos ay tama.

Dr. Love

vuukle comment

PANGINOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with