^

Dr. Love

Pambahay na lang si Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nasa pagitan ako ng nag-uumpugang bato sa ngayon.

Ang dahilan po, ayaw akong payagan ng mister ko na magtrabaho para tulungan siyang maghanap-buhay sa lumalaki naming pamilya. Samantalang ang nanay ko, palagi akong inu­urot na maghanap ng trabaho dahil sayang naman daw ang pinag-aralan ko at hindi kami kakapusin kung dalawa kaming magkatulong na kumikita.

Ang sabi ni Thelmo, hindi niya gusto na sa yaya, lalaki ang mga bata. Iba raw ang magulang na siyang kasama at nag-aasikaso sa mga anak namin.

Ang sabi ng nanay ko, bata pa lang ako, mukhang losyang na dahil hindi magkandaugaga sa gawaing bahay. Dahil tatlo na ang anak namin sa loob ng anim na taong pagsasama ni Thelmo bilang mag-asawa.

Wala na akong panahon sa pamamasyal nang solo para dumalo sa birthday ng mga dating kaklase. Kaya sila na ang dumadalaw sa akin sa bahay.

Ang nanay ko naman, malimit din bumisita sa amin at palihim akong binibigyan ng pera pambili ng damit at iba pang gamit sa katawan. Palibhasa’y bunso ako, awang-awa siya sa akin.

Malimit ding nag-iisip ako kung bakit parang itinatali ako sa bahay ng mister ko. Tatlo na nga ang anak namin, gusto pa niyang sundan uli para raw dalawang babae at dalawang lalaki.

Lihim na naghihimagsik ang kalooban ko. Kapus na nga sa budget, humihirit pa. Pa­ano po kaya ang mabuting paraan para mapapayag ko ang aking­ asawa na bigyan naman niya ako ng layang­ makapagdesisyon para sa sarili ko?

Mahal ko ang aking asawa at mga anak pero, hindi naman ibig sabihin na hindi ko rin dapat na kaligtaan ang pagkakaroon ng res­peto­ sa sarili.

Gumagalang,

Stay-at-Home Mommy

Dear Stay-at-Home Mommy,

Humanap ka ng pagkakataon na makaka­pag-usap kayo ng masinsinan, sabihin sa kanya ang lahat ng iyong saloobin. Sikapin mo na maipaliwanag ito nang mahinahon para maramdaman niya ang sinseridad mo at ma­ipakita mo sa kanya ang pangangailangan mo para mapagtuunan ang inyong pamilya nang hindi nawawala sa konsiderasyon ang para sa iyong sarili.

Samahan mo ng dasal para magkaroon ka ng higit na gabay bago pa kayo mag-usap ng asawa mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR STAY

DR. LOVE

HOME MOMMY

PARA

SHY

THELMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with