^

Dr. Love

Nagkamali ako

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Cristy, isang taon na akong kasal sa lalaking inakala kong responsable at mapagmahal.

Nang nililigawan ako ni Hener, wala akong nakitang bakas nang pagiging iresponsable. Pakilala niya ay isa siyang negosyante at mayroon pa siyang magarang kotse.

Matapos kaming makasal, nalaman ko ang totoo. Isa lang siyang family driver ng isang ma­yamang amo. Pinahihiram lang sa kanya ang kotse tuwing day off niya dahil malapit siya sa kanyang amo. Nanlumo ako nang malaman ko ito lalo pa’t iniuwi niya ako sa isang mumurahing apartment.

Isa pa, napaka-iresponsable niya. Ang suweldo niya ay halos ubusing lahat sa pag-inom kaya napilitan akong magtrabaho bilang sekretarya sa isang bahay sanglaan. Pinagsisisihan ko ang nagawa ko at sana’y magsilbing aral ito sa mga katulad ko na madaling maakit ng ma­gandang pagkukunwari.

Cristy

Dear Cristy,

Salamat sa sulat mo. Hindi ka man humihingi ng payo ay bayaan mong bigyan kita ng unsolicited advice. Naririyan na iyan at dalawang bagay lang ang magagawa mo. Magtiis at sikaping mabago ang ugali ng mister mo o kaya’y ipa-annul ang kasal ninyo. Nasa iyo ang huling pagpapasya. Tama ka sa pagbibigay babala sa mga kabaro mo. Huwag husgahan ang tao sa panlabas na anyo. May mga taong mapagkunwari lalo na kung gustong akitin ang kanilang nililigawan.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR CRISTY

DR. LOVE

HENER

HUWAG

ISA

MAGTIIS

MATAPOS

NANG

NANLUMO

NARIRIYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with