^

Dr. Love

Gay love affair

-

Dr. Love,

Magandang araw po sa iyo. Nais ko lang pong magpasalamat sa inyong mga payo na araw-araw ko pong nababasa. Hihingin ko lang din po ang inyong payo kung tama ang ginawa kong desisyon. Ako po si Richard nasa Saudi Arabia po ako ngayon at umaasa lamang po kami sa mga news every day na ipinadadala sa amin thru mail.

Nabasa ko po ang isang liham ng ating kababayan at halos magka-connect lang po kami. Ang pagkakaiba lang po namin ay babae s’ya at bading ako. Mayroon din po akong ka live-in dito sa Saudi 46 years old s’ya may asawa sa ‘Pinas at tatlong anak na graduate na ng college. Mabait naman po siya at naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ko. Ngunit sa ‘di inaasahang panahon may isang babaeng dumating sa buhay niya at hiniwalayan niya ako.

Ngayon po ay nagsasama sila at lagi ko siyang pinapayuhan dahil alam naman po ninyo ang kalagayan dito sa Saudi na bawal magkita ang isang babae at lalaki lalo na kung ‘di mo kaano-ano ang babae. Hanggang ngayon po ay nakaalalay pa rin po ako sa kanya dahil minahal ko po siya nang lubusan dahil sa pagmamahal at kabutihan niyang ipinakita sa akin.

Ang ihihingi ko po sa inyo ng payo ay tama po ba ang gagawin ko kung lalayo na ako ng tuluyan sa kanya dahil habang nasa tabi niya ako ay lalo ko siyang minamahal at lalo akong nasasaktan. Gusto ko na rin po kasing makapag-move on dahil lagi lang siyang nasa isip ko at hindi ko siya makalimutan.

Sana po mabasa n’yo ang aking liham at mabigyan n’yo ako ng payo.

Maraming salamat po.

Richard O. Encomeo

[email protected]

Dear Richard,

Maganda ang iniisip mong layuan siya. Unang una, kapwa mo siya lalaki at magkaroon man kayo ng relasyon, darating ang panahon na maghahanap siya ng tunay na babaeng mamahalin niya. Kapag nangyari ‘yun, siyempre masasaktan ka.

Isa pa, sa mata ng Diyos ay labag ang relasyong lalaki sa lalaki at babae sa babae. Mahirap talaga ang katayuan ng isang gay dahil madalas kung hindi man lagi ay – talo sa pakikipagrelasyon.

Harapin natin ang katotohanan na madalas pinapatulan ang bakla dahil sa mga pabor na puwede niyang ibigay sa kanyang karelasyon. Mayroon sigurong exceptional cases pero hindi pangkaraniwan iyan.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Liba­ngan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR RICHARD

DR. LOVE

MAYROON

PORT AREA

RAILROAD STS

RICHARD O

ROBERTO S

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with