Mister na nasa abroad may ‘iba’ na
Dear Dr. Love,
Isang OFW sa Dubai ang mister ko. Ang plano namin noon, mauuna muna siya roon at saka ako at ang dalawa naming anak ay susunod. Pero halos isang taon na ang lumipas, ayaw na niyang pag-usapan ang plano naming iyon.
Bigla niyang sinabing huwag na lang daw akong sumunod at manatili na lang dito para bantayan ang mga bata. Lalo akong nasaktan nang malaman ko mula sa aming kumpare na may iba na pala siyang kinakasama sa Dubai at buntis pa umano ang babae. Para akong gumuho nang marinig ko iyon.
Ngayon ko rin naiintindihan kung bakit paliit nang paliit ang ipinapadala niyang pera sa amin.
Paano ko ba siya dapat komprontahin? Saan ba ako lulugar at paano na ang ki-
nabukasan ng aming pamilya?
Sonia
Dear Sonia,
Masakit at mabigat ang pinagdaraanan mo, pero kailangan mong harapin ang ka-totohanan nang may lakas ng loob at malinaw na pag-iisip.
Ang tanging makapagbibigay ng malinaw na sagot sa iyong mga tanong ay ang iyong asawa.
Kausapin mo siya nang direkta at mahinahon. Huwag munang pairalin ang galit o emosyon para makuha mo ang buong katotohanan tungkol sa kalagayan ng inyong pagsasama.
Kung totoo man na may iba na siyang kinakasama, mahalagang malaman mo kung ano ang balak niya para sa iyo at sa inyong mga anak.
Karapatan mong malaman kung ano ang magiging direksiyon ng inyong pamilya at kung paano niya tutuparin ang kanyang responsibilidad bilang asawa at ama.
Anuman ang ma-ging sagot niya, isipin mo muna ang kapa-kanan mo at ng iyong mga anak.
Huwag kang mawalan ng pag-asa. Sa gitna ng sakit na ito, nararapat lamang na igalang ang iyong dignidad at ipaglaban ang nararapat para sa inyong mag-iina.
Dr. Love
- Latest


















