^

Dr. Love

Baklang manliligaw

-

Dear Dr. Love,

Bumabati ako sa iyo ng advanced Merry Christmas at Prosperous New Year.

Tawagin mo na lang akong Krisel, 27 anyos at dalaga.

May nanliligaw sa akin ngayon na nag-aalanganin akong sagutin. Isa siyang ba­ding na nagsabi sa akin na ibig na niyang magbagong buhay. Bigyan ko raw siya ng pagkakataon.

Lantad ang kanyang pagkabakla sa aming­ neighborhood dahil isa siyang beautician. Pero ang sabi niya sa akin, binago na raw siya ng Panginoon dahil isa na siyang born again Christian.

Napansin ko nga na pati pananamit ay binago na niya. Puro panlalaki na ang isinusuot pero ang kanyang galaw ay bakla pa rin. Natatakot kasi ako na baka ibig lang niyang magkaanak kung kaya nanliligaw siya sa akin. Hindi naman ako maganda at wala pa akong naging boyfriend. Mataba ako at pandak. Baka sabihin ng tao na kaya ako pumapatol sa kanya ay natatakot akong mapag-iwanan. Ano ang gagawin ko?

Krisel

Dear Krisel,

Naniniwala ako na posibleng baguhin ng Diyos ang isang tao. Gayunman, ang kilos ng isang bakla ay hindi madaling baguhin. Ang importante ay pagbabago ng kanyang kalooban. Pero bago ka makipagrelasyon sa kanya, tanungin mo muna ang sarili mo kung may pag-ibig ka sa kanya?

Kung wala at natatakot ka lang mapag-iwan ng last trip, huwag mo nang ituloy. Pero kung umiibig ka nang tapat at ganun din siya sa iyo, bakit mo iintindihin ang sasa­bihin ng iba? Ang mahalaga ay nakatagpo ka ng lalaking mamahalin.

Sa dakong huli, desisyon mo iyan at ikaw lang ang makapagpapasya.

Dr. Love

Para sa lahat ng mga letter sender na nagnanais na makipagkaibigan kay Single­ Lady, makipag-ugnayan sa kanya sa pamamagitan ng electronic mail- single­ [email protected].

vuukle comment

AKO

ANO

BIGYAN

BUMABATI

DEAR KRISEL

DR. LOVE

KRISEL

MERRY CHRISTMAS

PERO

PROSPEROUS NEW YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with