^

Dr. Love

Inang biyuda, ibig mag-asawa

-
Dear Dr. Love,

Simply call me Arnold, 17 years-old and a college student. I wrote you because of my mother who is already a widow for two years.

Tutol kaming magkakapatid sa gusto ng aking Mommy. Mahal namin siya gayundin ang aming namatay na ama. Ang feeling namin ay parang pinagtaksilan ang aming ama kung mag-aasawa uli si Mommy.

Madalas dumalaw sa bahay ang lalaki. Noong araw, akala namin business partner lang. Pero kalaunan ay nagpaalam sa amin si Mommy na mag-aasawa na uli siya sa lalaking iyon.

Hindi matanggap ng loob namin ang ganoong plano at nagbanta kaming maglalayas kung itutuloy ni Mommy ang balak.

Paano namin mapipigil ang balak ni Mommy?

Arnold


Dear Arnold,


Ang mag-asawa ay obligado lang maging faithful sa isa’t isa habang pareho pa silang nabubuhay. Kapag pumanaw na ang isa, ang maiiwan ay may layang mag-asawang muli.

Maibibigay ba ninyong magkakapatid ang lahat ng pangangailangan ng inyong Mommy? I’m sure hindi. Iba ang pagmamahal ng asawa sa pagmamahal ng anak.

Remember, nakasulat sa Biblia na "it’s not good for man (or woman) to be alone." Ginawa ng Diyos ang tao na babae at lalaki.

Kaya nawa’y maging maunawain kayo sa inyong ina at ipagkaloob ang ikaliligaya niya na hindi naman ninyo puwedeng ibigay.

Dr. Love

vuukle comment

BIBLIA

DEAR ARNOLD

DIYOS

DR. LOVE

GINAWA

KAPAG

KAYA

MADALAS

MAIBIBIGAY

MOMMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with