^

Dr. Love

Mag-ingat sa mapagsamantala

-
Dear Dr. Love,

Good day to you. Isa po ako sa masugid ninyong mambabasa. Akala ko ay hanggang pagbabasa lang ako ng mga payo ninyo. Pero heto ako ngayon at humihingi rin ng inyong payo.

Call me Ms. Gemini, 20 years-old, a college student. My problem is about the two guys in my life-Mr. Cute and Mr. Snub.

Mr. Snub is my first boyfriend. Magkapitbahay lang kami at tumagal ng five months ang relasyon namin. Pero sa panahong ito, pansinin-dili niya ako. Pero naibigay ko sa kanya ang lahat-lahat. He left me because of his work.

At the time na wala kaming communication, nakilala ko ang kanyang kabarkada na si Mr. Cute. Naghayag ito ng damdamin niya sa akin. Sinabi kong wala pa kaming formal break-up ni Mr. Snub. Tutulungan daw niya akong malimutan si Mr. Snub.

Tinanggap ko ang pag-ibig niya at ipinagkaloob ko rin sa kanya ang sarili ko. Minsan, sinasabi niya na magpapakasal daw kami pero hindi ko alam kung totoo ito o pampalubag-loob lamang.

Sana ay mabigyan ninyo ng maliwanag na desisyon ang problema kong ito. Pareho ba silang nag-take advantage sa akin?

Lubos na gumagalang,
Ms. Gemini ng Camarines Norte


Dear Ms. Gemini,


Hindi mo na dapat pang pag-isipan kung patuloy mong mamahalin si Mr. Snub. Pagkatapos mong ipagkaloob ang lahat sa kanya ay kikibuin-dili ka niya. Ganyan ba ang nagmamahal nang totoo?

Ganoon din si Mr. Cute. Maliwanag na pareho ka nilang pinagsamantalahan. Nang makuha nila ang gusto nila sa iyo ay iniwan ka na lamang.

Kaunting ingat. Huwag kang mabilis magpabola. Mabuti at hindi ka nabuntis sa ginagawa mong ito. Pakatimbangin mo ang lahat at gamitan mo ng rason upang hindi ka magsisi sa bandang huli.

Dr. Love

vuukle comment

CAMARINES NORTE

DR. LOVE

GANOON

GANYAN

HUWAG

ISA

MR. CUTE

MR. SNUB

MS. GEMINI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with