^

Dr. Love

Problema ni Pachuchay

-
Dear Dr. Love,

This is my first time to write to you. Kumusta po kayo diyan? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Ako po ay isa sa milyun-milyong tagasubaybay ng inyong column.

May problema po ako sa aking crush. Noong Feb. 8, 2002 ay birthday ng best friend ko. Sinabi nito sa crush ko na may gusto ako dito.

Kapag tumatawag siya sa amin, hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi ang phone.

Ang best friend ko ay naging ex ng crush ko at ayon dito ay ayaw daw sa akin ng crush ko dahil mataba raw ako. May ka-phone pal din po ako pero hindi pa kami nagkikita. Siya na po ba ang matagal ko nang hinihintay?

Ang inyong tagasubaybay,
Pachuchay ng Makati City


Dear Pachuchay,


Hindi batayan ng pag-ibig ang panlabas na anyo. Pero mahalaga rin ang physical appearance lalo na sa isang babae. Siguro ay panahon na para magpapayat ka. Kumunsulta ka sa doktor na makakatulong sa iyong problema.

Tungkol sa pakikipag-phone pal, mahirap din iyan dahil hindi ka nakikita nang personal ng iyong kausap sa telepono.

I’m sure, mataba ka man o payat, mayroon ding magkakagusto sa iyo. May mga lalaki ring type ang mga babaeng "malusog."

Mabuti nga kung mapapaibig mo ang isang lalaki kahit ganyan ang katawan mo. Makasisiguro ka na mahal ka niya hindi dahil sa kagandahang panlabas na kumukupas kundi dahil sa panloob mong katangiang hindi maglalaho.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR PACHUCHAY

DR. LOVE

KAPAG

KUMUNSULTA

KUMUSTA

MAKASISIGURO

MAKATI CITY

NOONG FEB

PACHUCHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with