^

Dr. Love

Naghahanap ng pag-ibig

-
Dr. Love

Sa pagsapit ng sulat kong ito ay kasabay na rin ang aking taos- pusong pagbati at pasasalamat.

Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa sa aking sasabihin. Taong 1998 nang ako'y sumulat sa inyo at sa kabutihang palad ay nailathala ang aking liham sa inyong pahayagan. Subalit sadyang hindi ko napag-ukulan ng pansin dahil sariwa pa sa aking isipan ang pagyao ng aking mahal na asawa. Bago matapos ang taong 1999 ay muli akong sumulat sa inyo at nilathala uli ito. Totoong napakaraming sumulat sa akin at ako’y nalibang. Ngunit di-nagtagal ay inabot na magtapos ng kolehiyo ang aking anak kaya napabayaan ko na rin ito.

Dr. Love, ako’y isang biyudo na may tatlong anak-isang lalaki at dalawang babae. Ang isa’y tapos na, ang dalawa ay patuloy pa rin sa pag-aaral kaya tuloy pa rin ako sa pagtatrabaho sa isang kilalang kumpanyang hindi ko na babanggitin.

Dr. Love, marahil ito ang huli kong kahilingan na sana’y matagpuan ko na ang isang tunay na babaeng handang humarap sa isang katotohanang pang-habambuhay. Hindi ako tumitingin sa kaanyuan o kagandahang panlabas. Hindi po sa pagbubuhat ng sarili kong bangko, hindi naman po ako pwedeng ikahiya at kaya kong humarap kahit kanino man dahil ako’y buhat sa isang kilalang angkan at may kaunti rin naman akong pigura. Kaya po sa mga nais sumulat sa akin ay lakipan sana ng picture, phone o cellphone number upang magkaroon naman ako ng inspirasyon sa pagsagot.

Maraming-maraming salamat sa inyo at advanced Merry Christmas to PSN staff.

Gumgalang,

Gats G. Aniben
14 Makopa st.,
Town and Country Executive Village,
Antipolo City.1820


Dear Gats,


Bilang tugon sa iyong kahilingan ay inilalathala ko ang buo mong pangalan at address. Sana ay matagpuan mo na rin ang babaeng karapat-dapat na maging katuwang mo sa buhay.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

AKO

ANIBEN

ANTIPOLO CITY

BILANG

DEAR GATS

DR. LOVE

GATS G

MERRY CHRISTMAS

TOWN AND COUNTRY EXECUTIVE VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with