SWS: 42% ng Pinoy, nakatutok sa VP Sara impeachment trial
MANILA, Philippines — Halos kalahati ng mga Pilipino o 42% ang nagsabing masusing sinusubaybayan nila ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Setyembre 21-27, 15% ang nagsabing very closely nilang sinusubaybayan ang mga pagdinig, habang 28% ang somewhat closely. Samantala, 21% ang nagsabing kaunti lamang ang kanilang nalalaman tungkol sa usapin, at 27% ang hindi talaga sumusubaybay.
Ayon pa sa SWS, 9% ng mga respondent ang nagsabing ngayon lamang nila narinig ang tungkol sa impeachment trial nang isagawa ang survey.
Lumabas din sa pag-aaral na mas mababa ang antas ng pagsubaybay ng publiko sa impeachment case ni VP Sara kumpara sa mga impeachment proceedings laban kina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Chief Justice Renato Corona.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult respondents, kung saan 600 ang mula sa Balance Luzon at tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
- Latest



















