5-year term ng Brgy. SK, pipirmahan ni Marcos - Gatchalian
MANILA, Philippines — Ipinadala na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagtatakda sa limang taon na termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK), ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian nitong Huwebes.
Naniniwala si Gatchalian na lalagdaan ng Pangulo ang panukalang Senate Bill No. 2397 kaya ipagpapaliban ang nakatakdang halalan sa Nobyembre. Pinagtibay rin ng House of Representatives ang panukala.
Inililipat din ng panukala, sa ikalawang pagkakataon, ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections mula sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 patungo sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028. Itinatakda rin nito ang termino ng mga opisyal ng barangay sa dalawang termino, habang isang termino lamang ang papayagan para sa mga opisyal ng SK.
Dahil ipagpapaliban ang halalan kapag naging batas ang panukala, magkakaroon pa ng dalawang taon sa puwesto ang mga nakaupong opisyal ng barangay at SK.
“Yes, pero pinadala na namin kay Presidente at sa pagkaalam po wala namang balita na iveveto n’ya. So, ma-extend ng five years, ma-extend ng additional two years ‘yung incumbent na barangay officials,” ani Gatchalian.
- Latest






















