^

Police Metro

VP Sara, plinano na umupong presidente – Palasyo

Gemma Garcia - Pang-masa
VP Sara, plinano na umupong presidente – Palasyo
Philippine Vice President Sara Duterte gestures as she leaves the Hall of Justice in Quezon City, Metro Manila on September 11, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

Sa panawagang magbitiw si Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Binuweltahan ng Malacañang si Vice President Sara Duterte matapos niyang banatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nanawagan ng pagbibitiw nito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nais pababain ni VP Duterte ang Pangulong Marcos sa posisyon dahil gusto niyang agad-agad na umupong presidente.

“Nais niyang pababain ang Pangulo sa posisyon? Bakit? Gusto ninyo? Gusto ni Bise Presidente agad-agad umupo? Kita naman, even before, ang plano ninyo,” giit pa ni Castro.

Sinagot din ni Castro ang pahayag ni Duterte na ang mga Filipio ay naliligo sa tubig baha.

“Hindi po kinakaila na nagbabaha po. Hindi lang naman sa Pilipinas. Nandiyan din po yung Japan, Canada, Grand Canyon, South Korea. Lahat po ngayon ay binabaha,” ayon kay Castro.

Paliwanag ni Castro, hindi naman iniiwasan at tinatalikuran ang mga issue tungkol sa flood control projects at alam din ng mga kababayan na nangyayari ang tuluy-tuloy na pag-iimbestiga sa anomalya.

Sa halip aniya dapat unahin ni Duterte na tutukan ang mga pagbaha sa Davao City para mas makatulong sa bansa at hayaan ang Pa­ngulo sa ibang mga lugar, bagama’t tumutulong din naman siya sa Davao City.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with