Chito, pulos pagmamahal ang pa-birthday sa misis

Puno ng pagmamahal ang birthday message ni Chito Miranda para sa kanyang asawang si Neri Naig, na nagdiwang ng kaarawan noong Lunes, Sept. 7.
Sa isang sweet at heartfelt na post sa Facebook, buong pagmamahal na ipinahatid ni Chito ang kanyang pagbati para kay Neri sa espesyal na araw na iyon.
“Happy Birthday, Ms. Neri. Alam ko naman na alam mo kung gaano kita kamahal,” caption ni Chito.
Ipinahayag din niya ang kanyang labis na appreciation sa asawa, na nagpapasaya sa kanya tuwing nakikita itong masaya.
Binigyang-diin din ni Chito ang magagandang katangian ni Neri bilang asawa at ina na kanyang labis na pinahahalagahan.
“Sobrang naa-appreciate ko at sine-celebrate ko talaga kung gaano ka kabait, ka-sweet, kakulit, ka-thoughtful, ka-considerate, kasimple, kababaw, kalambing, ka-forgiving, katatag, katibay, kalabaw, at kung gaano mo kami kamahal ng mga anak mo.
“Anyway, gusto ko lang naman mag-happy birthday, at ipaalala sa ‘yo kung gaano kita kamahal, kung gaano ako ka-swerte, at kung gaano kasarap sa dibdib ‘yung thought na makakasama kita sa buhay hanggang sa pagtanda. I love you! Happy Birthday!”
Sina Chito Miranda at Neri Naig ay ikinasal noong December 2014. Sila ay mayroong tatlong anak na sina Pia, Miggy at Cash.
Vince, pasok kay Vice
Si Vince Maristela ang magiging co-host ni Vice Ganda sa pagbabalik ng Gandang Gabi Vice.
Sa Instagram nagbahagi ang Sparkle GMA Artist Center ng clip kung saan kinumpirma ni Vice na magiging bahagi si Vince ng show sa bagong season nito.
Noong August in-announce na mapanonood na ang Gandang Gabi Vice sa GMA Network, na nagsisilbing panibagong collaboration nito sa ABS-CBN.
- Latest



















