^

Probinsiya

Pulis nilikida habang nagdya-jogging

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Napatay noon din ang isang parak matapos siyang pagbabarilin ng ‘di natukoy na riding-in-tandem habang siya ang nagdya-jogging sa Barangay Del Carmen sa Iligan City, Lanao del Norte, kamakalawa ng madaling araw. 

Kinilala ang nasawing biktima na si SPO4 Jonas Balbutin, 56 na taong gulang, na nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. 

Ayon kay Senior Inspector Felix Rabago, hepe ng Iligan Police Station 1, si Balbutin ay non-duty officer na dahil naghihihintay na lamang ito ng ilang buwan bago mag-retiro sa serbisyo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo ng mga suspek sa insidente.

vuukle comment

POLICE SHOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with