^

Probinsiya

Ex-NPA rebel inutas ng dating kasama

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 53 anyos na dating rebelde matapos gapusin at pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay ng mga dating kasamahan sa New People’s Army sa Sitio Mabaay, Brgy. Managa-naga sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa tinamong mga tama sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Zaldy Rabino Sr., dating miyembro umano ng ‘Melisya ng Bayan’ ng mga NPA habang tumakas sa hindi malamang direksyon ang mga suspek.

Sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-6:00 ng gabi, nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng ilang armado at saka iginapos ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay pinagbabaril.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with