^

Police Metro

2 MMDA traffic constable tinutukan ng baril ng dating pulis

Joy Cantos - Pang-masa
2 MMDA traffic constable tinutukan ng baril ng dating pulis
Sa ulat, bago nangyari ang insidente bandang alas-6:25 ng gabi ng sa harapan ng Commission on Audit, Brgy. Batasan Hills ng lungsod ay kabilang ang suspek sa mga pasahero ng UV Express na minamaneho ni Melchor Tanalgo.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis ang dinakip ng mga otoridad matapos tutukan umano ng baril ang dalawang traffic constables ng Metro Manila Development Authority ( MMDA) sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na dinakip ay kinilalang si Robertson Cruz Estrella, 63, isang retiradong PO1 at residente ng No.53 Siling Bata, Pandi, Bulacan.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente bandang alas-6:25 ng gabi ng sa harapan ng Commission on Audit, Brgy. Batasan Hills ng lungsod ay kabilang ang suspek sa mga pasahero ng UV Express na minamaneho ni Melchor Tanalgo.

Pagsapit sa lugar ay pinara ito ng dalawang MMDA traffic constables na sina Christopher Ba­ngalisan at Wilson Balceta dahilan sa paglabag sa batas trapiko.

Nairita umano si Estrella dahilan sa abala kaya’t nanghimasok ito at nakipagtalo sa dalawang traffic constables.

Sa kainitan ng argumento ay agad nitong inilabas ang kaniyang baril at tinutukan ang dalawang MMDA traffic enforcers.

Agad namang rumadyo sina Bangalisan at ­Estrella sa PS-6 na mabilis na nagresponde at naaresto ang sigang dating parak.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang isang Armscor caliber .45 pistol na may 13 bala at nabigo ito na makapagpa­kita ng kaukulang papeles sa exemption sa Comelec gun ban.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa Omnibus Election Code sa umiiral na gun ban kaugnay ng barangay at SK election.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with