^

PSN Showbiz

Aktor na wala pang napapatunayan kahit katiting, sumobra ang hambog nang madikit sa sikat na personalidad

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagpapatunay na sumosobra na ang kaa­ngasan ng isang male personality. Hindi pa man siya umaangat nang todo at wala pa siyang napatutunayan ay umaariba na nga ang kayabangan ng nagpapaka-hunk actor na ito.

?Ewan kung saan siya humuhugot ng kaangasan, ‘yun din ang gustong tuklasin ng mga kasamahan niyang nakakaramdam ng kanyang kayabangan, saan at sino raw kaya ang nanggagatong sa male personality na ito na may karapatan na siyang magmaangas?

?Kuwento ng aming source, “Hindi naman siya ganyan dati, okey naman siya, maayos naman siyang makisama at walang kayabang-yabang. Pero lately nga, e, pinag-uusapan na siya sa mismong circle nila.

?“E, di ba, kasama nga siya sa isang show na natutulog pa ang mga manok, e, kailangan na nilang mag-pullout para makapagbiyahe na sa malayong location na pupuntahan nila?

?“Dati, okey lang naman siya, kahit kapos siya sa tulog, e, wala naman siyang angal! Pero ngayon, e, nagpaparamdam na siya ng kaangasan, marami na siyang angal, kaya may mga katrabaho siyang nawiwindang sa inaasal niya.

?“E, ano ba naman kasi ang maipagmamalaki ng mokong na ‘yun? Magaling ba siyang umarte? Kaya na ba niyang makipagsabayan sa mga ka-contemporary niya? May kumita na ba siyang pelikula na siya mismo ang bida?

?“Pamparami lang naman siya, di ba? Wala pa siyang napapatunayan, dagdag lang siya sa cast, hindi pa siya bumibida!” inis na komento ng aming impormante.

?May kuwento ang ibang kasamahan sa trabaho ng nagpapaka-hunk actor na ito na mula nang maging close sila ng isang pamosong female personality ay naging mayabang na siya. Lumakas na ang loob ng lalaki, parang mayhawak na siyang trophy kung makaporma, sumobra na ang angas niya.

?Balik-kuwento ng aming source, “Ganern? Naku naman, dahilan na ba ‘yun para magmaangas siya? Kung kailan naman late na, e, saka pa siya magkakaganyan? Baka maghilahan na lang sila sa kangkungan ng babaeng ipinagmamalaki niya?

?“Sapat na bang ipagmayabang niya ang babaeng ‘yun, e, pareho ngang balagoong ang career nila? Magsama silang dalawa! Bagay na bagay nga sila, magsama silang dalawa na walang career!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Social media break ni Sharon pinagbubunyi ng fans

Paborito talagang buwisitin ng mga bashers si Sharon Cuneta. Lahat ng mga sinasabi at ginagawa ng Megastar ay binabantayan ng mga taong nagpapakilalang umay na umay na sa kanyang mga drama sa buhay.

?Nagpaalam ang singer-actress na matagal-tagal ding mawawala sa social media, pero sa halip na maging malungkot ay nagbunyi pa ang kanyang mga bashers, please daw!

?Sana nga raw ay habambuhay nang pagpahi­ngahin ng Megastar ang kanyang mga social media accounts, bigyan daw sana niya ng panahong makapamuhay naman nang tahimik ang kanyang mga bashers, nabaligtad ang senaryo.

?Sa halip na si Sharon ang kailangang mamahinga ay ang mga tao pang kumokontra sa kanya ang nagde-demand ng pahinga, nakakapagod na raw kasi ang hinaing niya sa buhay, ipinaglihi raw sa daing ang Megastar.

?Pero wala pang ilang minuto ay nag-post na naman si Sharon, pati raw ang kanyang cellphone ay isasarado na rin niya, naging komedya ang dating ng kanyang sinabi sa mga bashers niya.

?Sabi ng isang mainit ang dugo kay Sharon, “Please! Bigyan mo na kami ng katahimikan, kailangan namin ng peace of mind! Sarilinin mo na lang ang mga nararamdaman mo, huwag mo nang idamay pa ang publiko!”

?Nakakatawa nga dahil para bang iniimbitahan sila ng singer-actress na tutukan ang kanyang mga posts, parang puwersado silang mawalan ng katahimikan dahil sa mga reklamo sa buhay ng Megastar, samantalang hindi naman.

?Pero maraming natutuwa sa sinabi ni Sharon na iiwas muna siya sa social media. Malaking tulong ‘yun para sa kanya. Minsan nang sinabi ng kaibigan naming propesor na ang pagdistansiya niya sa teknolohiya ang magiging sagot sa katahimikan ng kalooban na hinahanap niya.

?Sana nga ay mapanindigan ni Sharon ang kanyang desisyon na umabsent muna sa social media. Baka nga sa kanyang pananahimik makipagkilala sa kanya ang peace of mind na sinasabi niyang napakailap sa kanya.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with