^

Bansa

Bentahan ng droga sa Cainta bulilyaso: ‘Tulak’ at 9 kustomer nito arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang may 10-katao, kabilang ang isang umano’y ‘tulak’ at kanyang mga suki, sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Cainta sa Rizal kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat na nakarating sa Rizal Police Provincial Office, nabatid na kabilang sa mga naaresto ang target ng operasyon na si Conrado Taripa, alyas ‘Diego’, 36,’ pintor, at residente ng Block 1, Lakas Tao, Barangay San Andres, sa Cainta, at kanyang mga umano’y kliyente na sina John Erolle Lopez, 21; Raniza Capistrano, 23; Isagani Capistrano, 33, parlorista; Viancou Marr Alivio, 30, empleyado; Iran Ramon Renato Gutierrez, 27, pintor; Cleope Salazar, 41, laborer; Christina Ferrer, 39, laborer; Patricio Villocillo, 49, karpintero; Stephen Sabio, 28; na pawang residente ng Barangay San Andres.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa nang ikasa ng mga operatiba ng Cainta Municipal Police Station, sa pangunguna ni PO2 Ferdinand Reyes, ang operasyon sa Block 13, Bermai, Floodway, Barangay San Andres, sa Cainta, laban kay Taripa matapos na makatanggap ng ulat hinggil sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lugar.

Umaktong ‘poseur buyer’ si PO2 Ferdinand Reyes, at nang makabili ng shabu mula kay Taripa ay kaagad itong inaresto.

Inaresto rin ang kanyang mga kliyente nang matiyempuhan sa lugar habang isinasagawa ang operasyon.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang siyam na plastic sachet ng shabu na dalawa rito ay bukas na, mga drug paraphernalia at P200 buy-bust money.

Ang mga suspek ay pawang nakadetine na sa Cainta Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

DROGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with