^

Bansa

14 arestado sa drug bust

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang 14-katao na sinasabing nasa drug watchlist habang 22 naman ang sumuko sa isinagawang “One Time Big Time at Oplan Tokhang” ng pulisya sa Taguig City kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Jenny Tecson, hepe ng  Public Information Office (PIO) ng Southern Police District (SPD), bandang alas-8 ng uma­ga nang maaresto ang 13 kalalakihan at isang babae sa bisinidad ng Labao Street sa Barangay Napindan sa nasa­bing lungsod.

Nabatid na ang mga suspek ay naaktuhan sa pot session sa isang bahay na ginawang drug den sa naturang lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachet na may shabu at ilang drug paraphernalia.

Bukod sa mga drug personalities ang nada­kip, umaabot naman sa 22-katao ang sumuko sa operasyon at umaming gumagamit ng droga.

Nakumpiska rin ng pulisya ang 21 motorsiklo na sinasabing gamit sa drug trade ng mga suspek.

Hindi naman sasampahan ng kasong kriminal ang mga sumuko at isa­sailalim sa rehabilitasyon.

vuukle comment

ONE TIME BIG TIME AT OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with