^

Probinsiya

Binata tupok sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 19 anyos na binata habang malubha namang nasugatan ang ama nito matapos na tupukin ng apoy ang kanilang tahanan sa naganap na sunog sa Brgy. San Vicente, Pamplona, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Israelito Bernaldes Jr., halos nagmistulang uling matapos na ma-trap ang katawan sa sunog. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Bicol Medical Center  ang nasugatang biktima na si Israelito Bernaldes Sr., 54 anyos.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, bandang alas-12:30 ng hapon nang tupukin ng apoy ang tahanan ng mag-ama sa Zone 2, Brgy. San Vicente, Pamplona ng lalawigan. Base sa imbestigasyon, ang binata ay kasalukuyang mahimbing na natutulog nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay.

Sinasabing na-trap ang binata na natutulog sa loob ng silid nito nang sumiklab ang sunog na tinangkang sagipin ng ama kaya ito nasugatan  sa insidente.

Naapula naman ang apoy bandang alas-1:40 ng hapon matapos na magresponde ang mga bumbero. Inaalam pa ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with