^

Pang Movies

Kahit namayat na, Sharon tatapusin muna ang album bago magbalik-showbiz

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

It’s nice to see the picture of Sharon Cuneta smiling, kasama ang kanyang friends sa isang simple birthday celebration niya last Sunday, January 11. Kita na ngang nabawasan na ang kanyang weight at nag-post na siya na her diet is being supervised by her doctor. Hopefully, very soon, makikita na nating bumalik sa isang movie or TV show si Sharon. 

Pero ang balita namin, uunahin muna niyang tapusin ang sinimulan niyang self-produced record album.

Naiwang lupain ni Dolphy kay Zsa Zsa ipapa-auction na rin!

Sa Saturday, January 31 na ang auction ng mga properties ng yumaong Ace Comedian na si Dolphy na gaganapin sa Dolphy Theater ng ABS-CBN na pamumunuan ni Eric Quizon na siyang na-assign na administrator ng kanyang mga kapatid. Napagkasunduan na ng mga Quizon brothers na ibenta na lamang ang maraming properties ng kanilang ama na mayroon sa Baguio, Antipolo, Batangas, Laguna pero ang pinakamalaki raw properties nito ay matatagpuan sa Samar. Anumang kikitain sa mapagbibilhan ng properties ay gagastusin sa itatayo nilang Dolphy Museum at sa Dolphy Foundation na nasimulan na nila nang pumanaw ang kanilang ama on July 10, 2012. Ang matitira ay paghahatian ng 18 na magkakapatid.

As to Zsa Zsa Padilla, hindi naman sila nagkaroon ng conjugal property ni Dolphy dahil hindi sila kasal. Mayroon din palang biniling separate property na nakapangalan sa kanya at sa mga anak na sina Zia at Nicole sa Samar si Dolphy. Pero magkakaroon raw ito ng sariling auction at mapupunta lamang sa mag-iina ang mapagbibilhan nito. Kaya sa mga interesadong sumali sa auction, pumunta lamang kayo sa Dolphy Theater sa January 31.

Paglipat ng aktres sa ibang kampo, kuryente din!

Kuryente ang balitang lilipat ang isang actress sa kampo ng isa pang actress. Malakas kasi ang bulungan na gustong kumuha ng bagong agent ang actress dahil matatapos na ang managerial contract nito sa present company na kinabibilangan niya. Pero ang mga kakilala niya ay nag-advice sa actress na makipag-usap muna ito sa kanyang present management kung ano talaga ang status ng kanyang contract sa kanila dahil baka mabulaga siya na may option pala sila na hindi siya basta puwedeng umalis sa kanila dahil may karapatan silang i-renew ang contract niya kahit ayaw niya. (sundan sa pahina 5)

vuukle comment

ACE COMEDIAN

DOLPHY

DOLPHY FOUNDATION

DOLPHY MUSEUM

DOLPHY THEATER

ERIC QUIZON

PERO

SA SATURDAY

SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with