^

Pang Movies

Pero hindi pa nagdi-date Robin boto na rin, Rayver at Kylie ramdam na bagay sila

- Vinia Vivar - Pang-masa

First project pa lang together nina Rayver Cruz at Kylie Padilla ang horror flick na Dilim ng Regal Entertainment pero kitang-kita na agad ang ma­tin­ding chemistry nila. They look good together at maging in real life, swak agad ang personalidad nila kaya nga nali-link na sila ngayon.

Sa presscon ay kitang-kita rin ang kakaibang closeness nila na parang hindi lang simpleng pagkakaibigan ang nagaganap sa kanila. Panay ang biruan at lambingan nila at pareho silang umaamin na gusto nila ang personalidad ng isa’t isa.

“Maswerte ang magiging girlfriend ni Rayver kasi ang bait niya, eh,” say ni Kylie.

Hindi pa ba sila?

“We’re just friends, sobrang close namin, parang feeling namin, ang tagal na naming magkakilala,” say ni Rayver.

Dagdag pa ng young actor, sobrang bait din daw ni Kylie at sobrang kumportable raw sila sa isa’t isa.

“First day pa lang namin, magkasama na kami, sobrang close na namin, masaya ako pag nagsu-shoot kaya nilu-look forward ko lagi kapag may shooting kasama si Kylie.

Ayon naman sa young actress, masaya raw siya na talagang nag-click agad sila ni Rayver at naging magaan ang pagtatrabaho nila.

Aminado rin sila na kahit sila ay nakikita raw nila na bagay sila.

“Kahit ako mismo, ‘pag nakikita ko ang sarili namin sa Instagram ‘pag nagpo-post ako, bagay naman talaga,” say ni Rayver.

When asked kung lumalabas-labas na ba sila, say ni Rayver, siguro raw pagkatapos ng movie.

“Hindi naman siya shooting friend, eh,” say ni Rayver na sinagot naman ni Kylie ng “hihintayin ko text mo.”

Pati si Robin Padilla na ama ni Kylie ay gustong-gusto rin si Rayver para sa anak.

“Sabi niya (Robin), “anak, mabait ‘yun,” say ni Kylie.

Ikina-flatter naman ito ni Rayver.

“Yes, I’m nice,” natatawa niyang sabi. “Hindi, siyempre, nakakatuwa naman, eh idol ko ‘yun, eh. Idol naman ng lahat ‘yun. So nakakatuwa naman para sabihin ni tito Ro­bin,” say ng young actor.

Dumalaw na ba siya sa bahay ni Kylie?

“Wala pa naman sa ganu’n. Huwag nating madaliin, siyempre. Kailangang ma-enjoy din ni Kylie ‘yung freedom niya,” he said.

Sinegundahan naman ito ni Kylie.

“Tama naman kasi na huwag mong madaliin. ‘Yung feeling mo na ready ka na, pero hindi naman pala.”

So, hindi pa siya ready?

“Ayokong madaliin. Kasi ‘pag ako na-in-love, todo, eh,” she said.

When asked kung totally healed na ba siya sa break-up nila ni Aljur Abrenica, aniya ay kailangan pa raw niya siguro ng oras. Pero marami naman daw si­yang natutunan sa past relationship niya at isa na rito ay mahalin mo ang sarili mo.

Anyway, showing na ang Dilim sa Oct. 22 under Regal Entertainment mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes. Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Rafael Rosell, Ella Cruz, Nathalie Hart, and Manny Castañeda.

Nailalabas daw ang sama ng loob Andrea enjoy sa pagsigaw sa Ang Lihim…

Balik-tambalan sina Andrea Torres and Mikael Daez sa afternoon ser­yeng Ang Lihim ni Annasandra na magsisimula na sa October 13 sa GMA-7. Pangatlong pagsasama na nila ito after Sana ay Ikaw na Nga in 2012 at With a Smile last year.

Pero kakaiba itong Ang Lihim ni Annasandra dahil for one, first fantasy series nila ito at mas daring na sila lalo na nga si Andrea dahil may transformation scene siya.

Say ni Andrea, ito rin ang pinakamahirap niyang serye so far because of the transformation scene. Ginagampanan niya kasi ang papel na babeng “awok” na tao sa araw pero sa gabi ay nagiging baboy ramo.

Sa serye ay nanay niya si Rochelle Pangilinan na isa ring awok kaya dalawa silang nagta-transform and both are saying na napakahirap ng eksena.

“Sa totoo lang, napakahirap kasi mula ulo hanggang paa ang kaila­ngan na nagko-contract para lang makapag-transform ka. Kaya para sa amin ni Andrea, hindi siya biro kasi umaabot sa panginginig ng buong katawan,” say ni Rochelle.

Sinegundahan naman ito ni Andrea.

“Ang laking challenge. After mo siyang gawin, parang hingal na hi­ngal ka, ang sakit-sakit ng ulo mo, pati buong katawan mo. Pero parang ang gandang release rin kasi nga nalalabas mo lahat, eh, sumisigaw ka, and inaano mo lahat, eh, sobrang tinitigasan mo yung katawan mo,” kwento naman ni Andrea.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANDREA

ANG LIHIM

KYLIE

NAMAN

NILA

PERO

RAYVER

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with