^

Dr. Love

Dapat na bang palitan?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa po ako na wala kayong karamdaman at nasa rurok ng kalusugan sa sandaling tanggapin ang sulat kong ito.

Itago n’yo na lang ako sa pangalan, Elias, 31-anyos. Binata pa po ako hanggang nga­yon dahil nang makatapos ako ng kursong commerce may sampung taon na ang nakalilipas, ako na ang nagtaguyod sa pag-aaral ng aking mga bunsong kapatid. Dalawa sila.

Namatay kasi kapwa sa isang aksidente ang aming mga magulang at naipangako ko sa kanila na ako ang sasagot sa pag-aaral ng aking mga kapatid na pareho nang naka-graduate.

Mayroon po akong kasintahan ngayon. Ang edad niya ay 21 at mahal na mahal ko. Hindi ko siya maunawaan dahil ayaw niyang makasal kami.

Tumatanda na rin ako at nais ko nang bumuo ng pamilya. Sabi niya ay katulad din niya akong tumutulong sa kanyang mga kapatid dahil mahirap lang ang mga magulang niya.

Takot po akong mapaglipasan ng panahon. Dapat na po ba akong humanap ng kapalit niya?

Elias

Dear Elias,

Ikaw lamang ang makakapagpasya niyan­. Sabi mo mahal na mahal mo siya. Ang alam kong pagmamahal ay handang magtiis alang­-alang sa iniibig.

Pero kung talagang determinado ka nang magkapamilya, nasa sa iyo ang desisyon. Pero pag-usapan muna ninyong mabuti.

Siguro kung magpapakasal kayo at hindi mo siya pipigilan sa pagtulong sa mga kapatid ay baka mapapayag mo siya.

Gawin mo muna ang lahat ng posibleng hakbang bago ka gumawa ng desisyon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BINATA

DALAWA

DAPAT

DEAR ELIAS

DR. LOVE

ELIAS

PERO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with