^

Probinsiya

Mangingisda niratrat sa dagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binistay ng bala ang isang 50-anyos na mangingisda  ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan habang namamalakaya sa karagatan ng Brgy. Minundas, Payao, Zamboanga Sibugay, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Salip Akmad na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9,  dakong alas-9 ng umaga nang umalingawngaw ang mga putok ng baril sa nasabing lugar.

Ilang saglit pa  ay natagpuan ang duguang bangkay ng biktima sa bangkang pangisda nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, abala sa pamamalakaya ang biktima nang biglang sumulpot ang mga armadong suspek na lulan ng pumpboat sa bahagi ng nasabing karagatan kung saan ay agad itong niratrat.

Ang mga suspek na natanawan pa ng ilang mga ma­ngingisda may ilang metro mula sa kinaroroonan ng bangka ng biktima habang tumatalilis patungo sa karagatan ng Brgy. Tarla Tarla, Alicia, Zamboanga Sibugay.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

ALICIA

BATAY

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

POLICE REGIONAL OFFICE

SALIP AKMAD

TARLA TARLA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with