PVL, UAAP stars papalo sa AVC Cup
MANILA, Philippines — Pinagsamang beterano at bagitong players mula sa PVL at UAAP ang ipaparada ng Pilipinas sa AVC Challenge Cup na hahataw mula Mayo 22 hanggang 29 sa Rizal Memorial Coliseum.
Nangunguna sa listahan sina UAAP stars Angel Canino ng De La Salle University at Casiey Dongallo ng University of the East base sa inilabas ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).
Patuloy pang nagrerekober si Canino matapos magtamo ng injury sa eliminasyon ng UAAP Season 86.
Subalit tiniyak ni Canino na magiging handa ito bago sumapit ang torneo.
“So far, still trying to be 100 percent. I’m trying to recover and go back sa dating ako,” ani Canino.
Maliban kina Canino at Dongallo, pasok din sa lineup sina La Salle setter Julia Coronel at middle blocker Thea Gagate gayundin ang ilang PVL standouts kabilang sina Fifi Sharma at Faith Nisperos ng Akari, at sina Dawn Macandili at Vanie Gandler ng Cignal.
Hahataw din sina Sisi Rondina at Cherry Nunag ng Choco Mucho, Eya Laure at Jen Nierva ng Chery Tiggo at si veteran playmaker Jia Morado na naglaro para sa Denso sa Japan V.League.
Nasa Pool A ang Pilipinas kasama ang Chinese-Taipei, India, Iran at Australia habang sa Pool B naman ang Vietnam, Indonesia, Kazakhstan, Singapore at Hong Kong.
- Latest