Pugante sa kasong murder, timbog
MANILA, Philippines — Isang 44-anyos na pugante sa kasong murder ang nadakip ng mga awtoridad sa joint operation na isinagawa ng Bay Municipal Police Station ng Laguna Provincial Police Office at Las Piñas City Police Station, sa isang convenience store sa Las Pinas City, Biyernes ng hapon.
Arestado sa pamamagitan ng warrant of arrest si alyas “Kalbo,” na inisyu noong Setyembre 21, 2026 ng Biñan City, Laguna, Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Sa ulat, dakong ala-1:15 ng hapon nang matunton ang akusado malapit sa isang convenience store sa Barangay Pamplona Tres.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge P/BGen. Christopher Abrahano, ilang ulit ng nakaiwas sa pag-aresto ang akusado sa pamamagitan ng pagtatago sa iba’t ibang rehiyon mula nang inilabas ang arrest warrant.
“We cross boundaries, close in on every hiding place, and serve every warrant without hesitation. A fugitive may change addresses, but cannot change the outcome: justice will find them,” pahayag ni Abrahano.
Nakapiit pa sa Las Piñas City Police Station ang akusado habang hinihintay pa ang commitment order ng hukuman para sa paglipat sa kanya sa Laguna Provincial Jail.
- Latest




















