^

PSN Opinyon

Init, bagyo, ulan ng yelo dulot ng climate change

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng matinding init sa Pilipinas nu’ng Abril 27, umulan­ ng yelo sa Baguio City. Na-video ng City Hall Public Infor­mation Office ang pira-pirasong yelo, kasing-liliit ng bar­yang P10. Bumuhos ‘yon sa Fort Del Pilar, campus ng Philippine Military Academy.

Wala pa ‘yon sa naganap sa China nu’ng parehong araw. Matinding nagbuhawi sa Guangzhou, mega-city sa timog-silangan. Bumagyo ng yelo, singlaki ng kamao, sa ibang bahagi ng Guangdong province. Maraming sasakyang naaksidente at nabasag ang salamin.

Bakit nagkaka-hailstorm maski tag-init? Galing ‘yon sa kombinasyon ng cumulous at nimbus clouds. Cumulous ang mga naglalakihang ulap na umaangat sa malamig na bahagi ng kalangitan. Nimbus ang maiitim na ulap sa ilalim nu’n na may dalang ulan.

Dahil sa lamig, nagyeyelo ang patak ng ulan. Kapag masi­yadong bumigat na, bumabagsak ito. Nagsisimula silang malalaking tipak ng yelo, pero lumiliit bago tumama sa lupa.

Wala pa rin ang hailstorms kumpara sa dinanas ng United Arab Emirates at Oman nu’ng Abril 14-15. Binaha sila ng sobrang ulan sa gitna ng matinding El Niño. Nanga­tangay ng agos sa kalye ang mga sportscars na Ferrari, Mercedes-Benz, Jaguar at Porsche.

Resulta ‘yon ng lumalalang climate change, anang World Weather Attribution Initiative. Sa bawat 1.2° centigrade na pag-init ng panahon, nadaragdagan ng 8.4% halumigmig (moisture).

Umiinit ang mundo dahil sa polusyon ng hangin. Dala ito ng usok ng mga sasakyang petrolyo.

Pinaka-mainit na taon nu’ng 2023 simula nang itala ang temperatura nu’ng 1850. Tumaas ang pangkalahatang tem­peratura nang 1.18° centigrade mula sa 13.9°. Tiyak mas uminit pa ngayong 2024.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with