BINI Mikha, lumambitin sa China!

Ipinasilip ni BINI member Mikha Lim sa Instagram post noong Nov. 9 sa fans ang kanyang extreme adventure sa sikat na Zhangjiajie Sky Ladder sa Mount Qixing sa Zhangjiajie, China. “My first via ferrata in Zhangjiajie, China!!! #zhangjiajie,” caption niya.
Ayon sa CNN Travel, ang attraction na kilala rin bilang Tianti o “Sky Ladder” ay may habang 551 feet sa pagitan ng dalawang bangin sa taas na humigit-kumulang 5,000 feet, base sa Chinese state media reports.
Matatagpuan ito sa Zhangjiajie Nature Park sa Hunan province ng China, na kilala sa mga dramatic rock formations at iba’t ibang tanawin.
Sa kanyang video, makikitang umaakyat si Mikha sa matarik na iron ladder na nakakabit sa bundok.
Sa kabila ng nakakalulang taas at nakabukas na paligid, mukha siyang confident habang nagpapatuloy sa pag-akyat.
Sa isang bahagi, nakangiti pa siya habang nakahawak sa ladder gamit ang isang kamay at nakaangat ang isa pa para kumuha ng selfie video.
Suot din niya ang kinakailangang safety equipment, kabilang ang helmet at climbing harness.
Napansin ng mga kapwa celebrity at fans ang kanyang adventure, at nagpahayag sila ng pagkamangha sa kanyang tapang at excitement sa kakaibang karanasan.
Naganap ang thrilling experience kasabay ng pagdiriwang ni Mikha ng kanyang kaarawan noong Nov. 8.
Sa naunang post, ibinahagi niyang kasama sa kanyang trip sa China ang pagbisita sa Shanghai at Guangzhou, para sa business at bakasyon.
Bukod sa pag-explore ng iba’t ibang lugar, nagdiwang din si Mikha ng kanyang kaarawan kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay, pati na ang kanyang BINI sisters. Dumalo rin sa intimate event si ABS-CBN President at CEO Carlo L. Katigbak.
Sa X, nagbahagi siya ng mga larawan mula sa kanilang get-together kung saan ang ilan sa kanyang mga kaibigan, kabilang sina Belle Mariano, Darren Espanto at Kyle Echarri, ay nagsuot ng red wigs na ginagaya ang kanyang signature look. “Can I just express how loved I feel I’m so ecstatic and glad to have found the right people in my life. To my family, friends, and supporters, you are the reason I’m able to drown out the noise in the world. All that matters to me is growing together and being loving and kind human beings. Thank you for all the birthday greetings!” caption ni Mikha.
- Latest





















