^

Police Metro

Pamunuan ng moto-taxi papanagutin sa pagpasok ng kanilang rider sa EDSA bus lane

Angie dela Cruz - Pang-masa
Pamunuan ng moto-taxi papanagutin sa pagpasok ng kanilang rider sa EDSA bus lane
A bus zoomed past motorists stuck in heavy traffic as it drove along the southbound bus lane of EDSA in Cubao, Quezon City on November 7, 2023.
STAR / Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Nakatakdang panagutin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamunuan ng moto-taxi na Move It Rider sa pakikipagpatintero ng kanilang rider sa mga MMDA traffic enforcers nang pumasok sa Bus way lane sa Edsa.

“Tatawagan namin ang Move It at pagpapaliwa­nagin namin sila kung bakit may aksyon na nangyaring ganun, pananagutan po nila yan dahil driver nila yan, driver yan ng Move It” wika ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz.

Nilinaw din ni Guadiz na hindi sila satisfied sa pahayag ng Move It rider na dapat exempted sila sa pagpasok sa bus lane kaya hindi niya agad naibigay ang lisensiya sa mga traffic enforcers ng MMDA.

Ani Guadiz first offense naman ito na nangyari kaya suspension muna ang maaaring maigawad sa Move It dahil sa nangyari.

“Pero kung madalas dalas na nilang gawin yan ay sa susunod ay baka masuspended na ang application ng buong kum­panya at hindi lamang sa lugar na pinangyarihan ng insidente,” paliwanag pa ni Guadiz.

Binigyang diin ni Guadiz na malaki ang pananagutan ng kumpanyang Move It sa nangyari dahil sa hindi umano pagpili ng  driver na walang training at road ethics.

vuukle comment

EDSA BUS LANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with