Serye, kumpirmadong babu na sa ere
MANILA, Philippines — Na-gets na namin kung ano itong teleserye na tinapos na agad. Hindi nga ang Sigabo!
Bahagi sa teleseryeng ito ang COO ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA na si Mark Lapid at ang lakas ng iling niya nang tinanong siya tungkol dito.
Sure na sure siyang hindi itong teleserye ni Coco Martin dahil sa pagkakaalam niya ay marami pa raw itong pasabog.
Gaya ng sinabi ng ibang istasyon, ang TV5 at AllTV, hanggang next year pa ang kontratang pinirmahan.
Na-gets naming ibang teleserye ito, pero ipinakiusap sa aming huwag na lang banggitin dahil patapos na rin naman. Hayaan na lang daw na matapos ito nang tahimik.
Naawa lang ang aming source sa mga artista at production staff ng teleseryeng ito dahil binawasan na nga raw ang kanilang talent fee para maipagpatuloy lang. Pero hindi pa rin naisalba. Kailangan na talagang tapusin.
Maraming dahilan kung bakit kailangan nang tapusin. Tinanggap na lang ng mga taong involved, hindi talaga nila kayang patagalin pa ito.
Mag-move on na lang daw at maghintay na lang sa susunod na project na gagawin.
Always yours... nina Joshua at Julia, apektado ng forgotten…
Marami ang nagtanong sa amin kung malakas ba sa takilya ang pelikulang Always Yours, Never Mine nina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Kahit kami ay curious din, pero hindi naglabas ang PR team ng Star Cinema kung naka-magkano ito sa first day of showing.
May press release na pinakamalakas na local film, pero walang figures.
Pero ayon sa ilang reliable source namin, naka-P8 million daw ang kinita nito sa first day ng showing.
Nung pangalawang araw ay bumaba raw sa P6 million. Hindi na namin nakuha ang figures ng weekend.
Pero ang nasagap namin ay mas lumakas pa lalo ang Forgotten Island.
Sa unang linggo kasi nitong animated film ng DreamWorks ay naka-P100 million na. Mas lumakas pa raw ito ngayon. Kaya posibleng naapektuhan ang Joshua-Julia movie ng lakas ng Forgotten Island.
Marami nga ang nagtanong kung bakit naman daw kasi gumawa pa ng pelikula uli sina Joshua at Julia gayung wala namang clamor na magsama sila uli.
Okay na ‘yung nag-hit ang reunion movie nilang Un/Happy For You, pero hindi na inaasahang magsasama sila uli sa isang pelikula.
May nag-comment sa amin na baka naapektuhan daw dahil sa pagiging DDS o Diehard Duterte Supporter daw ni Joshua.
Ganun nga kaya?
- Latest






















