^

PSN Opinyon

PNP at LGU, sinisisi sa VK operation sa Metro!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SINO ang dapat sisihin sa patuloy na video karera operations sa southern Metro Manila? Ang kapulisan ba o local government units (LGUs)? Sa biglang tingin kasi, ang minamasdan ng mga kosa ko ay si NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez, lalo’t may ipina-implement pa s’ya na “no take policy” vs illegal gambling. Subalit open secret naman ‘yan na hindi maglalatag ng makina itong mga gambling financiers kung walang go signal sa opisina ng mga LGU’s. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya habang patuloy ang operation ng VK nina Alan P. sa Las Piñas City at JP sa Parañaque City, abayyy ang binabastos nila ay si Nartatez. Bakit kaya nakakaligtas ang VK nina Alan P. at JP sa mga intel officer’s ng NCRPO at ng Southern Police District? Your guess is as good as mine, mga kosa? Pitsa-pitsa lang ‘yan! Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi ng mga kosa ko na nagkalat ang VK ni Alan P. sa Las Piñas City at hindi makapalag si Col. Sandro Tafalla, ang police chief ng siyudad, dahil nakatimbre ito sa PNP at LGU. Ano ba ‘yan?

Ang may hawak ng VK ni Alan P. ay si alyas Esmer subalit ang kinakausap ay itong si Papa John, na direkta kay Mayor Imelda Aguilar. Hayan, kaya sabit ang pangalan ni Mayor Aguilar sa VK ni Alan P. dahil kay Papa John, na palaging nakikita sa opisina ng una. Sanamagan!

Kapag tumaas ang krimen sa Las Piñas City, ‘wag na kayong tumingin pa sa iba kundi kina Aguilar at Tafalla lang dahil sila ang may saklaw sa peace and order ng siyudad. Mismooo! Ang sticker ng VK ni Alan P. ay Alan. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa Parañaque City naman, ang financier ng VK ay si alyas JP, na taga-Pasay City. Siyempre, bulag, pipi at bingi rin sina Mayor Eric Olivarez at Col. Melvin Montante, ang chief of police, sa operation ni JP. Tiyak malaki ang timbre, di ba mga kosa?

Si Montante ay sagradong bata ni Nartatez kaya’t ewan ko ba kung bakit hindi niya maisulong ang “no take policy” ng kanyang amo. Dipugaaa! May pahabol pa ang kosa ko na si JP ay may VK din sa Pasay City. Ewan ko lang kung alam ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano itong EZ2, PBA ending, lotteng at iba pang sugal lupa ni JP sa dela Peña St. Araguyyy! Pasay na naman? Wakasan na ni Mayor Calixto-Rubiano ang sugal lupa ni JP nang sa gayon ay maumpisahan niya ang paglilinis ng kanyang siyudad na pugad na din ng POGO, di ba kosang Jun Tabios Sir? Ang sakit sa bangs nito!

Kung sabagay, magulo talaga ang tabakuhan sa Metro Manila dahil hindi synchronized ang takbo ng isipan nina PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at Nartatez. Tikom ang bibig ni Marbil tungkol sa pasugalan samantalang si Nartatez ay may “no take policy.” Sino ang dapat masusunod sa Metro Manila?

Ang mga illegal gambling financiers ay ayaw magbukas ng negosyo dahil hihintayin nila ang pag-promote ni Nartatez dahil walang tibay ang kausap nila sa NCRPO. May timbre na, hinuhuli pa. Tsk tsk tsk! Kung natiis nila ang siyam na buwan ni Nartatez sa NCRPO, abayyy ang tatlong buwan pa kaya? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Teka nga pala! Ano kaya ang sey ni Marbil sa VK operations sa southern Metro Manila? Masaya na naman ang mga adik sa droga. Abangan

vuukle comment

LGU

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with