^

PSN Showbiz

Cai Cortez, nag-sorry sa LTO

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Cai Cortez, nag-sorry sa LTO
Cai Cortez

Naglabas ng statement si Cai Cortez matapos suspindehin ng Land Transportation Office (LTO) ang kanyang driver’s license dahil sa pagmamaneho ng walang seatbelt habang kumakanta.

Pero lumang video aniya ‘yun, last February pa. ‘Yun nga lang, nagkasala pa rin siya sa batas.

Aniya sa kanyang statement:  “Nauunawaan ko po ang mga naging puna at kritisismo kaugnay ng video na naipost noong February 2026 at muling kumakalat ngayon.

“Kinikilala ko pong mali at hindi ligtas ang nangyari. Walang dahilan upang isantabi ang kaligtasan sa kalsada, at buong puso po akong humihingi ng paumanhin.

“Inaako ko ang responsibilidad sa naging pagkakamali.

“Bagama’t wala pa po akong personal na natatanggap na opis­yal na abiso mula sa Land Transportation Office (LTO) sa ngayon, handa po akong makipagtulungan at sumunod sa mga kaukulang proseso ng ahensya.

“Bilang isang lingkod-bayan, kinikilala ko ang mas mataas na antas ng pananagutan na kaakibat ng aking posisyon.

“Nauunawaan ko ang pagkadismaya ng publiko at ang kaha­lagahan ng pagiging maingat at responsable sa aking mga kilos.

“Muli, humihingi po ako ng paumanhin sa lahat, lalo na sa aking mga kababayan sa Taytay, sa aking pamilya at mahal sa buhay.

“Itong pagkakataong ito ay ituturing kong mahalagang pagkaka­taon upang matuto at mapaigting ang kamalayan para sa kaligtasan ng lahat.

“Carizza “Cai” Cortez-Rkhami.”

Hindi pa namin nahihingan ng komento si ASec. Markus Lacanilao kaugnay sa statement na ito ni Cai.    

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with