Coach ng volleyball binaril sa gym, utas
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang volleyball coach ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) team nang ito ay barilin ng hindi pa nakilalang mga suspek habang nagsasagawa ng training session sa loob ng gymnasium sa Brgy. Bago Gallera, Davao City nitong Huwebes ng gabi.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Randy Ultado Maravillas, 35-anyos, coach ng volleyball team ng mga high school varsity players.
Sa ulat ng pulisya, pasado alas-6:00 ng gabi nang dumating ang mga salarin sa gymnasium lulan ng motorsiklo at nilapitan ang biktima habang abala ng pagpra-praktis sa kaniyang mga volleyball players sa Suhai gymnasium nang ito ay barilin nang malapitan sa ulo na agad nitong ikinamatay.
Mabilis na tumakas ang suspect na nakasuot ng face mask, kulay itim na tshirt at short, naka-sumbrero.
Kasalukuyan na ring nirerebyu ng pulis ang kuha ng CCTV footage sa lugar upang mapabilis ang pagresolba sa kasong ito.
- Latest
















